Gelli at Ariel hands on sa mga anak

Humingi ng tulong si Gelli de Belen para sa pelikula na ginawa nila ni Bayani Agbayani, ang Pansamantagal.

Nadatnan ko si Gelli sa parlor ni Bambbi Fuentes habang kausap niya via video chat ang kanyang anak na nag-aaral sa Canada at ang sweet ng mag-ina.

Malalaki na ang mga anak nina Gelli at Ariel Rivera pero very close at open sila sa parents nila.

Maraming beses sa isang araw ang pakikipag-usap ng mag-asawa sa kanilang mga anak, lalo na kapag may gusto na ikonsulta at itanong sina Joaquin at Julio.

Matagal na akong hanga sa hands on na pagpapalaki nina Gelli at Ariel sa kanilang mga anak. Kahit busy sa kanilang mga work at nasa malayong bansa ang mga bata, hindi nawawalan ng panahon ang mag-asawa para sa kanilang mga anak.Good parents sila, kaya good kids sina Joaquin at Julio. Congrats!

Rudy busy sana sa mga apo kung buhay pa

Kahapon ang 67th birth anniversary ni Rudy Fernandez na pumanaw noong June 7, 2008.

Kung nabubuhay si Rudy, 67- years old na siya at siguradong nag-organize ng party si Lorna Tolentino para sa kanyang kaarawan.

Naramdaman ko na naman ang mabilis na takbo ng panahon dahil 56-years old si Rudy nang bawian ng buhay sa bahay nila ni LT sa White Plains at kahapon, 67-years old na sana siya.

Kung nabubuhay si Rudy, sure ako na active pa rin siya sa showbiz at baliw na baliw sa kanyang mga apo. Tiyak na active rin sa pangangampanya para sa senatorial bid nina Bong Revilla at Jinggoy Estrada na mga BFF niya. Happy birthday in heaven Rudy!

Dragon Lady ni Janine, madugo at magastos!

Nagpunta sa Baguio City noong Sabado ang cast ng Dragon Lady dahil nakisaya sila sa Panagbenga Festival.

Tuwang-tuwa ang mga kababayan natin sa Baguio City dahil nakita nila nang personal sina Janine Gutierrez, Tom Rodriguez, James Blanco, Joyce Ching at Diana Zubiri.

Masipag ang cast ng Dra­gon Lady sa pagpo-promote ng kanilang afternoon teleserye sa GMA-7 na mapapanood simula ngayon, March 4, 2019.

I’m sure, hindi lamang ang mga true-blooded Pinoy ang susubaybay sa kuwento ng Dragon Lady dahil magugustuhan din ito ng mga Filipino-Chinese.

May kinalaman sa kultura ng mga Chinese ang kuwento ng Dragon Lady pero binigyan ng ibang twist ng mga writer at ng direktor na si Paul Sta. Ana.

Madugo ang taping ng bagong teleserye ng Kapuso Network dahil sinusuyod ng staff ang mga Chinese temple na puwedeng gamitin na location sa taping nila.

Hindi lang madugo, magastos din ang taping ng Dragon Lady dahil sa malalaking eksena na kailangan sa kuwento.

Three days walang IG…

Three days ako na hindi active sa Instagram kaya dapat malaman ng followers ko na nagkaroon ng technical glitch kaya hindi ma-upload mga posting ko.

Na- sad at frustrated ako dahil sandali na nawala ang aking medium for my emotional kagagahan.

May caption pa naman ako na gustong-gusto ko na mabasa agad ng followers pero hindi agad na-post dahil sa technical glitch kaya na sad ako.

Kapag sad, galit o happy ako, nagsusulat agad ako para ma-share sa followers ko.

Mabuti na lang, watch ako ng Ko­rea­no­vela na Good Wife kaya hindi ko napansin oras. Buti na lang, naibalik na at na-post na ang Instagram post ko tungkol kina Kris Aquino at Gelli de Belen plus ang paliwanag ko sa tatlong araw na wala akong mga post sa Instagram.

 

Show comments