Arnell Ignacio napabayaan ang pamilya
Naging emotional ang singer-host-comedian at dating Vice-president for Community Relations and Services ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and former deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio nang ito’y humarap sa entertainment media nung nakaraang Miyerkules ng hapon. Ito’y may kinalaman sa kanyang pagre-resign sa kanyang post sa OWWA na sobra umano niyang minahal.
Mabigat ang loob ni Arnell na iwan at talikuran ang kanyang posisyon in favor of his family na siya naman niyang napabayaan sa loob ng halos tatlong taong paninilbihan sa gobyerno.
Ang ama ni Arnell ay may sakit na stage 4 prostate cancer at kailangan niyang tutukan ang pangangailangan nito lalo na ang kanyang mga gamot na hindi niya mabibili kung aasa lamang umano siya sa kanyang suweldo sa pamahalaan. Kailangan niyang balikan ang kanyang showbiz career na pansamantala niyang tinalikuran in favor of his government work ganundin ang kanyang itinayong negosyo na ipinaubaya niya ang pamamalakad sa kanyang kaisa-isang anak na si Sofia.
Ang sarap umano ng kanyang pakiramdam na nakatulong siya sa maraming tao pero ang masakit ay napabayaan naman niya ang sarili niyang pamilya na nangangailangan din ng kanyang attention.
Nang tanggapin niya ang posisyong ipinagkatiwala sa kanya ni Pres. Rodrigo Duterte, buong puso umano niyang tinanggap ang challenge. Hinarap at minahal niya ang kanyang tungkulin nang walang pagsisisi. Although mami-miss niya ang mga taong kanyang nakatrabaho at nakahalubilo, this time naman ay muli niyang babalikan ang trabahong unang tumanggap at nagmahal sa kanya, ang kanyang showbiz career at higit sa lahat, ang kanyang pamilya.
Janine magpapasiklab sa OPM Playlist concert!
Ngayong gabi, March 1, magaganap ang Playlist: The Best of OPM concert sa Big Dome (Araneta Coliseum) na tatampukan ng frontliners ng mga kilalang banda ng bansa tulad nina Joey Generoso, Jinky Vidal, Jay Durias, at si Medz Marfin, kasama sina Ice Seguerra, Juris Fernandez at ang rising singing star na si Janine Teñoso na siyang umawit ng big hit na ‘Di Na Muli ng Itchyworms Band.
Sa araw ding ito magsisimula ang re-run ng critically-acclaimed at hit musical play last September 2018 na ginanap sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, ang Ang Huling El Bimbo na muling mapapanood on same venue in RWM from March 1 to April 6, 2019.
Christian pinaghandaan ang naudlot na role sa Born Beautiful
Ang award-winning actor na si Christian Bables ang nag-host ng launching para sa summer workhop ng Star Magic Workshops.
Si Christian ay isa sa mga successful graduates ng Star Magic Workshops.
During the launch, klinaro ni Christian na hindi umano siya ang umatras kung bakit hindi siya natuloy sa pelikulang Born Beautiful at sa halip ay napunta ang role sa Kapuso actor na si Martin del Rosario.
Ayon sa paliwanag ng Halik co-actor, sinabi nito na nagkaroon umano ng misunderstanding sa dati niyang management at sa The IdeaFirst Company producers na sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan.
Ayon kay Christian, pinaghandaan na niya umano ang kanyang role as Barbs Cordero pero hindi nga natuloy at matagal nang naipalabas ang nasabing movie na si Martin ang bida. Gayunpaman, just to prove na okey umano sila nina Direk Jun at Direk Perci, may gagawin siyang project sa kanila sa tulong na rin ng bago niyang manager, ang King of Talk na si Boy Abunda.
- Latest