^

Pang Movies

Wala pang nakakapantay Ate Vi at Sharon legit na Box Office Queens!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Wala pang nakakapantay Ate Vi at Sharon legit na Box Office Queens!

Just for the record, ang kauna-unahang tinawag na Box Office Queen ay si Congresswoman Vilma Santos. Bago si Ate Vi, walang ibang nakakuha ng nasabing title. Mali ang kuwento na may naunang Box Office Queen bago siya.

May mga artistang kumikita naman talaga nang malaki ang mga pelikula noon, pero ang kita ng mga pelikula ay hindi mo mape-predict. Taas-baba iyan sa bawat pelikulang ginagawa. Kaya lamang natawag na box office queen noon si Ate Vi ay dahil nakagawa siya ng limang pelikulang sunud-sunod na hits, na ang bawat isa ay nakalamang ng kita sa nauna pa.

May mga pelikulang kumikita, pero walang artistang nakagawa ng five hits in a row, kaya hindi sila natawag na Box Office Queen din.

Dumating ang isang panahon na si Sharon Cuneta naman ang nakagawa ng pitong pelikulang sunud-sunod na hits, at bawat isa ay lumamang sa nauna. Noong magkaroon ng record na seven hits in a row, si Sharon naman ang tinawag na Box Office Queen.

Hanggang ngayon wala pang nakaka-break nang seven hits in a row. Kaya kung iisipin, sabihin mo mang ang huling pelikula ni Sharon ay kumita lang ng 58 million, sa record ay siya pa rin ang Box Office Queen.

Pero hindi nga ganoon ang nangyayari dahil may isang pribadong samahan na nagbibigay at gumamit ng title na iyan na ang batayan ay kung sino lamang ang may pinakamalaking kita sa taong iyon, dahil kung hindi, papaano nga ba sila magbibigay ng award taun-taon na kailangan nila dahil fund raising naman talaga iyon?

Pero just to set the records straight, kung mga film exhibitor ang tatanungin, dalawang artista pa lang ang natatawag na box office queen na legit.

Alden naunahan na ang ArMaine

Aba nakakagulat, may social media post ng picture ni Alden Richards kung saan ay sinasabing nasa Reykjavic, Iceland siya at nanonood ng Aurora borealis, o iyong northern lights. Hindi naman sinabing nga­yon lamang iyon. Pero maliwanag na nagpunta siya sa Iceland at nasaksihan ang Aurora borealis.

Mali naman iyong ispekulasyon ng mga taong baka nagmamanman siya sa date doon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde. Isa pa, sinasabing sa Fairbanks naman planong magpunta noong dalawa. Ang layo po ng Fairbanks sa Reykjavic ay 3.313 miles.

Maaaring masabi nga na nakita na ni Alden kung ano ang inaambisyong ma­kita ngayon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza kung totoo nga bang nagkita sila sa US para makita ang northern lights sa Fairbanks. Ang lamang lang nila, magkasama sila. Si Alden, mag-isang gininaw sa Reykjavic.

Mga nagmamalisya sa social media puwedeng ipa-NBI

Aba iyong mga nagtsitsismis online tungkol sa mga male star na bading, basta nagkamali iyan na magbanggit ng pangalan, maaari rin silang idemanda ng cyber libel, damputin ng NBI at ikulong. Lahat pantay-pantay sa batas.

Ang akala ba ninyo, iyon lang nagtsitsismis tungkol sa gobyerno ang nakukulong? Hindi ha, kaya sige subukan ninyong ibulgar kung kaninong pangalan ang “isinulat sa papel”. Ibulgar ninyo kung sino ang nagpadala ng text na may “indecent proposal” kay Josh Ivan Morales.

ATE VI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with