Joel ginagaya ng mga gustong magka-baby

Bongga si Joel Cruz ng Aficionado Perfumes dahil walo na pala ang anak niya na made in Russia.

Imagine ang gastos sa pagpapalaki sa walong bata na may mga yaya ang bawat isa na kasama nila kahit saan sila magpunta.

Bongga ang birthday celebration ni Papa Joel sa Beijing, China dahil kasama niya ang lahat ng kanyang mga anak.

Sana nga hanggang lumaki ang mga bata, nandiyan pa rin at malakas si Papa Joel Cruz dahil tiyak na pag-aaralin niya ang mga bagets sa sosyal na school na malaking gastos.

Malakas din ang loob ni Joel na magkaroon ng walong anak na lumaki sana na successful at mabait na gaya niya.

May isa yata na gumaya kay Joel at made in Russia din ang baby pero malalaman natin ang katotohanan kapag bumalik ang mag-asawa na bitbit ang kanilang “kambal” na anak.

Kapag marami ang gumaya kay Joel sa procedure na ginawa nito para magkaroon ng mga anak, may baby boom sa Pilipinas na imported from abroad.

K-dramas nakaka-bagets

Naku tinatanong ng followers ko kung bakit hindi ko na nababanggit ang mga Koreanovela na pinapanood ko.

Kasi nga, paulit-ulit na lang ako sa mga dating pinapanood ko dahil hindi ko masyadong type ang mga Koreanovela na recommen­ded ni Gelli de Belen.

‘Yung iba naman, mga period at historical movie na mas maganda na panoorin sa TV o sa wide screen, hindi sa iPad o tablet. Mas maganda sana kung sa TV dahil mas malaki ang screen.

Wala pa akong Netflix kaya inggit ako. Paulit-ulit ako sa Spring Day, It’s Ok it’s Love, Bali at iba pang napanood ko na. Pero ang pinaka-favorite ko sa lahat ay iyong Weightlifting Fairy na ewan ko ba, parang nasa time machine ako ‘pag iyon ang pinapanood ko, parang back to high school ako na andun iyong kilig ng kabataan.

Actually nga pag feeling upset ako, pinanonood ko ang ­Weight­li­f­­ting Fairy para wala na akong galit o lung­kot, ganun ang effect niya sa akin. Pinaka-sad naman ako sa Dirty Carnival, ang tagal kong naka-get over sa downhill emotion ko nang matapos kong panoorin ang movie na iyon.

Cry ako sa betrayal kay Jo In-sung, ang bigat ng dating kaya twice ko lang siyang pinanood. Hay naku, sabi nga ng ‘apo’ kong si MJ, bakit daw paulit-ulit kong pinapanood pero hindi ko pa ma-memorize, hahaha.

Kaloka, dapat ay mag-discover na naman ako ng bago or else talagang memor­yado ko na ang Korean series sa paulit-ulit kong pa­nonood.  

 

Show comments