Edu aminadong mas maraming pera si Luis!

Luis Manzano

Tantiya ni Edu Manzano between him and his son, Luis Manzano, mas ‘di hamak na malaki ang naiipon ng anak. Compare to him daw kasi, mas marunong humawak ng pera si Luis.

Besides kung sabagay, ayon pa rin kay Edu, bukod sa ‘di nawalan ng trabaho bilang TV host si Luis, may mga negosyo na rin ito.

Kasosyo ang ilang dating kaklase sa College of Saint Benilde De La Salle University, may fleet of taxis sila. Bukod doon, siya ay nasa restaurant business din.

Nang tanungin si Edu kung magiging katulad din kaya niya si Luis, maging ng mom nito na si Vilma Santos-Recto at step dad na si Ralph Recto na pasukin ang mundo ng politics, he said he will not be surprised.

“Kumbaga,” susog pa ni Edu. “May pagmamanahan.”

No need to tell you that Edu is running in this May 2019 elections for Representative of the sole district of San Juan City. He was once Vice Mayor of Makati City.

Ate Vi naman is running for reelection as Lipa City Congresswoman.

Bong sure na ang pagsali sa MMFF

Bagama’t higit na naka-focus sa kasalukuyan ang puso at atensyon ni former Senator Bong Revilla sa pulitika, as he is running for Senator in the May elections, hindi rin nawawala sa isipan niya ang muling maging aktibo sa pelikula. Lalo pa nga raw at aware siya sa mga problemang kasalukuyang dinaranas ng industriya.

He will definitely have daw a Metro Manila Film Festival (MMFF) entry this year. Ganunpaman, gusto raw muna niyang tantiyahin kung anong klase ng pelikula ang tatangkilikin ng manonood.

Aware raw siya sa mga pagbabagong nangyayari sa ating kapaligiran. Lalo’t kung saan ngayon partial ang millenials. Ang parang itinutu­ring niyang mga modelo ay ang kanyang mga teenage apo at pamangkin.

Saludo raw siya sa ilang projects na ginagawa ni Presidente Rodrigo Duterte na malaki ang maitutulong sa mga mamamayan at sa ating bayan mismo.

In his own way raw, kung God willing na maging Senador siyang muli, maipagpapatuloy niya ang hangarin niyang lalong higit na makapaglingkod sa bayan at mga mamamayan.

Enrique gustong maging Marine Biologist

At 26 years old, ‘di pa priority ni Enrique Gil ang pag-aasawa. Bagama’t this early, naka-focus ang kanyang atensyon sa iisang babae lang, si Liza Soberano, whom considers his ‘life’ daw.

He wants to prepare for his future family’s future, kaya raw kahit ‘di naman siya nawawalan ng projects either for TV and the movies, he will resume his studies, no matter what.

For a time, he enrolled daw in a business course, but as he felt his heart was not into it, he stopped.

When he resumed his studies daw, he will take up Marine Biology. And why?

He thinks it’s the right course daw for him.

In his soon-to-start showing movie, Alone/Together with Liza, he plays a student na ‘di gaanong naka-focus ang atensyon sa pag-aaral.

When eventually he did, he realized daw that for one to have a better future, dapat nakatapos siya ng pag-aaral.

Alone/ Together is directed by Antoinette Jadaone, bukod kina Enrique at Liza, kasama rin sa cast sina Sylvia Sanchez, Noni Buencamino, Adrian Alandy and Jasmine Curtis-Smith. Featured din ang teenage star na si Xia Vigor.

Tom magpapatali na!

Anytime soon this year, Carla Abellana and boyfriend of nearly five years, Tom Rodriquez, may finally get married.

Carla’s Dad of course is occasional actor Rey Abellana. Her Lola Delia Razon, now in her 70’s, was once a popular LVN star. Her mom Rea Reyes was a former Seiko Films talent.

Both Carla and Tom are contract stars ng Kapuso.

Show comments