^

Pang Movies

AiAi ayaw tantanan si JLo!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Ayaw talagang tigilan ni AiAi de las Alas ang idolo niyang si Jennifer Lopez dahil may panibago siyang hamon sa latest pic niya sa Instagram.

 

Eh sa bagong picture ni Ai, suot din niya ang two-piece bikini ni JLo sa original foto ng foreign singer-actress, huh!

Ayon sa Comedy Queen, uminom muna siya ng kape para magkaroon ng konting nerbyos. Sa mas malaking caption, nakalagay ang, “Para magkaalaman na kami ni Idol.”

Pag-swipe sa foto, hayun at gamit na ni Ai ang bikini ng idolo at nakaupo rin siya.

“This is it idol!” deklara ni Ai Ai.

Komento ng anak niyang si Sancho, “Grabe naman toh ma!!!”

Sagot niya sa anak, “@sanchovito pasensiya na po.”

Nag-react din ang asawa niyang si Gerald (Sibayan). “Madam good morning hahaha. Ang aga naman niyan @msaiaidelasalas. Grabe naman ang asawa ko todo rin hahaha.”

“Nagpaalam po ako sayo sir Gerald. Pumayag po kayo hahahaha hayaan mo na darl,” sagot ni Ai sa asawa.

Naku, hayaan na natin si AiAi sa gusto niyang gawin dahil hataw siya this year. Next year, behave na ‘yan at ang pagbubuntis na ang gagawin niya!

Matteo inaabangan kung matutulad kay Marco

Matulad kaya ang kapalaran ni Matteo Guidicelli kay Marco Gumabao ngayong under Viva Artists Agecy na ang una?

Paglayas kasi ni Marco sa Star Magic, namayagpag ang career niya and now, leading man na siya ni Anne Curtis sa bagong movie na gagawin niya.

Opisyal na ang pagiging Viva artist ni Matteo dahil pumirma na siya ng kontrata last Friday. Bigger artist siya kumpara kay Marco.

Pero lucky in love si Matt dahil boyfriend siya ni Sarah Geronimo. Pag lucky in love, ‘di ba, unlucky in cards?

Well, that remains to be seen sa sitwasyon ni Matteo.

AIAI DE LAS ALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with