John Lloyd dedma na sa lahat ng taga-showbiz

John Lloyd Cruz

Hindi na talaga interesado si John Lloyd Cruz na magbalik-showbiz dahil hindi niya sinasagot ang mga movie producer na type siya na bigyan ng mga pelikula.

Nagpapadala kay John Lloyd ng mga text message ang mga produ pero hindi siya sumasagot at malinaw ang ibig sabihin nito, pinaninindigan niya ang desisyon na talikuran ang entertainment industry.

Nanghihinayang mga mga movie producer dahil naniniwala sila na tatanggapin pa rin si John Lloyd ng publiko.

Pero iginagalang nila ang desisyon ng aktor na maging ordinary citizen at subukan ang tahimik na buhay.

Talented actor si John Lloyd at ang mga katu­lad niya ang puwedeng bumalik sa showbiz, anytime na magbago ang kanyang isip.

Sabik pa rin ang fans ni John Lloyd na mapanood siya sa mga teleserye at mga pelikula. Willing sila na hintayin ang showbiz comeback niya.

Naiintindihan nila ang pasya ni John Lloyd na sure na maligayang-maligaya sa pag-aalaga sa anak nila ni Ellen Adarna kaya lalong may reason para hindi niya balikan ang kanyang acting career. Hindi mapapantayan ng showbiz ang happiness na ibinibigay kay John Lloyd ni Ellen at ng kanilang baby.

Misis ni Tirso sinariwa ang masayang oras ng nanay nina Rodjun at Rayver

Sinariwa ni Lynn Cruz ang mga araw na buhay pa si Beth Cruz, ang nanay nina Rodjun at Rayver na pinsan ng kanyang asawa na si Tirso Cruz III.

Dalawang buwan pa lang ang nakalilipas nang magsayaw si Beth kasama ang ibang mga miyembro ng Cruz family sa huling gabi ng lamay para kay TJ Cruz, ang anak nina Lynn at Tirso na pumanaw dahil sa lymphatic cancer.

After two months, si Beth naman ang nakaburol sa memorial chapel ng Funeraria Paz na pinagburulan kay TJ.

Muling ni-repost ni Lynn sa kanyang social media accounts ang dance video ni Beth at ang kuwento niya tungkol sa pagpayag ng kanyang cousin in-law na magsayaw

“I am posting this dance video again because our dearest cousin Melody Beth Cruz (loving Mom to Omar, Rodjun and Rayver was a part of this number for my son TJ’s Celebration of Life.

“When I asked her to dance with us she gamely said ‘Yes of course! Para kay TJ yan, di pwedeng hindi ako kasali dyan pinsan. Mahal namin si TJ!’

“She is the one dancing behind Rodjun. Little did she know, and us too, that she will be joining our Creator 2 months & 12 days after TJ.

“She was diagnosed last January days after New Year 2019 as having pancreatic cancer. (Let us all continue to pray for cure for cancer).

“Beth has accepted the Lord October 15, 2017 when my husband shared his personal testimony at Victory Sucat. I clearly remember she was seated at the front row & she stood up when Pastor Jonathan Ramirez asked who would want to accept Jesus as their Lord & Savior.

“Thank you Lord! Thank you Jesus for your gift of eternal life! Beth must be dancing with TJ now in heaven! And oh, she must be singing too (she was a very good singer). We love you pinsan Beth!”

Show comments