Naku, Ateng Salve, sayang at ang aga mong umalis sa press interview ni Janine Gutierrez, hindi mo tuloy nasaksihan ang reaction niya nang may nagsabi sa kanya na invited ang rumored-boyfriend niyang si Rayver Cruz sa premiere night ng Elise on February 5 sa Gateway Mall.
Lalong nagulat si Janine nang sabihin sa kanya na nag-“yes” si Rayver, huh!
Wala naman sigurong magiging problema kay Enchong Dee na leading man ni Janine sa Elise kung um-attend man sa premiere night nila si Rayver dahil magkaibigan naman silang dalawa, ‘noh?!
Si Janine nga mismo ang nagsasabing grabe kung magbiruan sina Rayver at Enchong, kaya tiyak na ikakatuwa pa ng huli kung darating nga ang una sa premiere night ng pelikulang Elise!
Naku, kung darating nga pala si Rayver sa premiere night, siguradong kukulitin siya tungkol sa relasyon nila ni Janine. Umamin na kaya siya?
Mas maganda naman kasi talaga kung lalaki ang unang aamin, huh!
Pero, teka nga pala! Sabi ni Janine kahapon, talagang wala pa raw silang relasyon ni Rayver.
“Mamatay man ang aso ko, wala pa talaga!” sabi ni Janine na kilalang sobrang mapagmahal sa kanyang aso, kaya parang gusto ko na rin maniwalang wala pa nga talaga silang relasyon o puwede namang nasasabi lang niya ‘yon dahil may dialogue rin siya na hindi nila nilalagyan ni Rayver ng label ang kanilang closeness.
Well..
Anyway, magandang pelikula ang Elise, kaya dapat itong panoorin simula sa February 6!
Rico j bibigyang tribute ng Hitmakers & Ai
Ngayon ang presscon nina AiAi delas Alas, Hajji Alejandro, Marco Sison at Rey Valera para sa Hitmakers & Ai post-Valentine concert sa Resorts World Manila on February 15.
Sobrang excited ang apat sa ibinalita sa kanila ng producer nilang si Anna Puno na ang lakas ng benta ng tickets ng kanilang concert.
Sa nasabi ring concert bibigyan ng tribute ang yumaong singer na si Rico J. Puno.
Kasama dapat si Rico J. sa nasabing concert, pero yumao na nga ito.
Ogie si Mariel ang kasama sa Valentine
Kasama ni Ogie Alcasid sa Master of Love Valentine concert sa Resorts World Manila on February 14 si Mariel de Leon.
Like her dad, si Christopher de Leon, magaling ding kumanta si Mariel.
Sobrang excited na nga si Mariel para sa Master of Love.
Big honor nga raw sa kanya na makasama si Ogie.
Ngayon nga pala haharap sa press sina Ogie at Mariel para magkuwento ng tungkol sa Master of Love.
Dahil nga pala sa Master of Love, hindi mapapanood ni Ogie sa Valentine ang concert ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid, pero mapapanood naman daw niya ‘yon sa ibang araw.
Liza bawal sa show ni Ice
Madalas na mag-show sa mga casino si Ice (Aiza) Seguerra at dahil goverment official ang misis niyang si Liza Diño ay hindi ito makapanood dahil bawal na pumasok sila sa mga ganoong lugar.
Pero sa Acoustic Love Journey concert ni Ice with Nyoy Volante on February 9 sa Palacio de Maynila sa Roxas Boulevard, manonood daw si Liza.
Parang ‘yon na rin daw ang pinaka-Valentine date nila.
For tickets nga pala sa Acoustic Love Journey, puwede kayong mag-check sa SM Tickets o kaya ay sa Palacio de Maynila mismo.