Transgender na housemate sa PBB, pakakasalan na ng lesbian partner!

Ang ganda ng pakakalahad ng kuwentong may pamagat na Pregnancy Test, Salve A., na itinampok last Saturday sa Maalala Mo Kaya (MMK), hosted by Charo Santos-Concio on ABS-CBN.

Tungkol ang kuwento sa transgender housemate ni Kuya na si Mitch na kasalukuyang nasa loob ng bahay ni Kuya at sa partner niyang si Buds (short for Donnalyn), a lesbian.

Very realistic ang portrayal nina Ritz Azul bilang lesbian at Ahron Villena as the gay partner.

Kung sabagay, mahusay ang pagkaka-direk ni direk FM Reyes, who made sure as well na mahuhusay ang co-stars nina Ritz at Ahron, kabilang na sina Lito Pimentel at Arlene Muhlach, who played Ahron’s understanding parents.

Samantala, nag-propose na ng marriage si Duds kay Mitch sa loob ng bahay ni Kuya. Kaya, expect na nating may kasalang magaganap sa loob mismo.

Abangan natin.

In an earlier episode nga pala of the reality show, viewers had the chance na mapanood ang nearly three year-old na anak na lalaki ng mag-partner na na-missed ng sobra ni Mitch. Nangangahulugan lang Salve A., na ang pagiging isang ina is not limited sa pagiging babae lang.

PBB housemate may kakaibang ugali

May pakiusap nga lang pala ako kay Big Brother, Salve A., kung puwede sana ng kusang i-evict na niya ang kanyang housemate na si Apey.

Aba, nagpapakita na ng kanyang tunay na ugali ang loka. Akala ko ba, sabik siyang makita ang nakatatandang kapatid na si Mark na siyang magiging ‘daan’ para makilala niya ang ama na for 23 years since ipinanganak siya ay ‘di pa niya nakikita. Much less, nakikilala.

Aba, harap-harapan niya kung bastusin ang kapatid, na nakakatanda pa naman sa kanya.

Kung sabagay, halatang nag-iba ang pamamaraan ng pakikisama niya kay Mark, when you (yes, you, Big Brother) announced that the two of them will be considered as one contestant na lang.

Na nangangahulugan lang, na kung mananalo siya bilang champ ng PBB otso, maghahati sila ni Mark ng mapapanalunan.

Which to me, as a viewer, doubt will happen.

Ahron napansin sa MMK!

Of Ahron, his performance in MMK recently might finally open a new door for him as an actor. He has been in showbiz for a while.

Sadly, however, in the past, kung may acting talent man siya, mas higit na binigyan ng pansin ang previous usap-usapan na may romansang namamagitan sa kanila ng komedyanteng si Cacai Bautista.

Kung sabagay, for a time, they keep the public guessing sa tunay na relasyon nilang dalawa.

Now, of course, the truth is out. Fake news lang ang kunwari’y relasyon nila.

Sweet tuluy-tuloy na ang pagdidirek

Wow, alalahanin naman natin si John Lapus, yes, the comedian as Sweet. He is no longer just a comedian, after all, John is now a certified TV director.

Muli, sa kanya ipinagkatiwala ng ABS-CBN Business Unit head ng Dreamscape Entertainment Tele­vision na si Deo Endrinal, ang pag-direk ng bagong episode ng long-running series na Wansapanataym.

May titulong Mr. Cutie Pido, tampok in the title role si McCoy de Leon and Heaven Peralejo as McCoy’s leading lady.

It was also direk John na namahala ng previous episode na tinampok sa Wansapanataym, ang Switch Be With You, starring naman sina Barbie Imperial at Chai Fonacier.

A Theater Arts graduate from University of Sto. Tomas, John’s Dad, the late Jojo Lapus was a well-known scriptwriter and assistant director. Paboritong gamitin ng late King of Philippine Movies, Fernando Poe, Jr. ang kanyang kuwento at script para gawing pelikula.

An only child, John’s mother, we heard, is a school teacher.

Show comments