Nang lumabas na ang press release ng GMA-7 para sa upcoming teleserye nilang Kara-Mia may mga nagtatawa na paano raw mangyayari na isang tao may dalawang mukha. Kasi si Barbie Forteza kapag nakaharap, siya si Kara at kapag nakatalikod siya, face ni Mika dela Cruz ang lumilitaw.
Pero maraming nagsasabi na totoo iyon, it’s a fact na merong ganito sa India at urban legend na rin ito sa Great Britain.
Pero ang nakakatuwa, ang netizens na excited nang mapanood ang Kara Mia, dahil gumagawa sila ng mga post na gamit ang beautiful face ni Mika.
Iyon ang nakatutuwa sa mga Pinoy, ang dali nilang gumawa ng paraan, mayayaman ang pag-iisip nila, para magpatawa.
Ang Kara Mia ay nagtatampok kina Carmina Villarroel, John Estrada, Glydel Mercado at leading men nina Barbie at Mika sina Jak Roberto at Paul Salas.
Nakatakda na itong mapanood sa February, 2019.
Jasmine namumulot ng basura
Mahilig sa beach si Kapuso actress Jasmine Curtis Smith kaya nag-enjoy siya nang gawin niya ang Siargao movie with Jericho Rosales noong Metro Manila Film Festival 2017 na nanalo pa siya nga award doon. Kaya since then may advocacy na siya na tinawag niyang @JuanEffect.
Post niya sa kanyang Instagram account the other day, habang nasa Siargao siya: “Glad to have been able to spend my first working day of 2019 advocating more conscious about our environment and sustainable tourism. With the #JuanEffect program, I have pledged to bring my own eco bag, bottle and throwing may trash properly. Not just when I travel but more importandly in my everyday life!
You can also make a pledge at bit.ly/JuanEffctXJas and share your pledge with your friends and family. Let’s keep doing our part.”
Masaya si Jasmine dahil after Pamilya Roces may bago agad siyang project sa GMA-7, ang Sahaya na ipinakikita na sa teaser isang diver ang lead stars dito na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Wala pang sinabi kung ano ang role na gagampanan ni Jasmine pero sana ay isa rin siyang Badjao driver na tulad ni Bianca.
Makakasama rin ni Jasmine sina Migo Adecer, Ash Ortega, Pen Medina, Ana Roces, Zoren Legaspi at second directorial job ito ng isang teleserye ni Zig Dulay sa GMA Network. Airing na sila by February, 2019.