^

Pang Movies

Tony hindi ipinagtanggol ng mga Kapamilya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tony hindi ipinagtanggol ng mga Kapamilya

Mabuti naman at kahit na ang mga komentarista ng DZMM na pag-aari ng ABS-CBN, ay nagbigay ng fair comment at hindi pinanigan ang starlet ng kanilang isa pang subsidiary, iyong Star Magic. Kadalasan kasi dahil artista nila, ipinagtatanggol nila. Pero si­guro talagang mahirap lang depensahan iyang male starlet na si Tony Labrusca, na isang dayuhang nagtatrabaho nang walang working visa sa Pilipinas, at matapang pa nang humarap sa ating Immigrations officers.

Kasi kung kinampihan nila iyan, ang itatanong lang namin, ano ang kaibahan niya sa mga hinuhuling mga Tsino na pumapasok sa Pilipinas bilang mga turista tapos ay nagta-trabaho sa mga call centers. Iyon nga lang nag-artista siya at kano siya, pero hindi iyon nagbibigay sa kanya ng dagdag na karapatan sa ating bansa. Natapos na noong 1974 ang Laurel-Langley Agreement, na nagbibigay sa mga kano ng dagdag na karapatan sa paghahanap buhay sa Pilipinas.

“Nagkamali lang iyong bata dahil hindi naman niya alam ang batas na sumasaklaw sa pribilehiyo ng mga balikbayan,” sabi ng isang movie writer na mukhang “beholden” kay Labrusca.

Pero isaksak ninyo sa isipan ninyo ang kasabihan, “ignorantia legis neminem excusat”.

Ang hindi pagkakaalam ng batas ay hindi katuwiran. Kasalanan mo, hindi mo muna inaalam ang karapatan mo sa ilalim ng batas bago ka magkakatsang. Hindi dahil “artista” ka. Hindi dahil may ginawa kang serye. Hindi dahil nakipaghalikan ka sa pelikula. Hindi dahil sa marami ang nakikipag-selfie sa iyo. Hindi dahil marami kang mga picture na nakahubad sa social media, eh nangangahulugang mas may karapatan ka.

Kung sa bagay, mabuti na rin naman iyang nangyaring iyan dahil nalaman natin na naririto lang pala siya na gamit ay isang tourist visa at wala siyang working permit sa ating bansa. Wala palang working permit iyan, bakit pa natin pinapayagang umagaw pa ng trabaho sa mga artistang lehitimong Pilipino?

Sinasabi ninyo, gusto ninyong paunlarin ang industriya ng pelikulang Pilipino, pero ang ipinapasok ninyo ay mga artistang dayuhan, habang ang mga Pilipino, nganga at walang trabaho.

‘Double standards’ talamak sa showbiz!

Actually hindi namin maintindihan iyang double standards sa showbusiness eh. Madalas marinig mo, ang karamihan daw sa mga producer ng pelikula ay mga Tsino, at ganoon din ang mga may ari ng sinehan kaya nagsasabwatan at nakukuha nila ang magagandang playdate ng pelikula. Pero hindi nga ba dapat natutuwa tayo dahil ang mga producer na iyan, kahit na may dugong Tsino ay namumuhunan, at nagbibigay ng pagkakataon sa mga artista at manggagawang Pilipino?

Ilang artista na ang napasikat ni Lily Yu Monteverde ng Regal? Gaano karami ang mga manggagawang umaasa sa kanyang kumpanya? Ilan na ang natulungan ni Wilson Tieng? Sino ba ang may ari ng mahigit kalahati ng mga sinehan sa buong Pilipinas, na ang empleyado ay mga Pilipino, hindi ba si Henry Sy? Hindi ba ninyo masasabing malaking tulong iyan sa industriya ng pelikulang Pilipino?

Bakit wala tayong naririnig na pagtutol kung ang dumadating dito ay mga may dugong kano kagaya ni Sam Milby, o noong mga Braziliano kagaya nina Daniel Matsunaga at Fabio Ide. Hindi ba nakakaagaw pa sila ng trabaho na dapat sana ay sa mga artistang Pilipino?

Bakit hindi natin tinututulan ang serye ng mga Koreano na siyang namamayani ngayon sa ating telebisyon? Hindi ba mara­ming Pilipino ang nawawalan ng trabaho dahil sa mga iyan? Nagtataka lang kami eh, bakit nga ba umiiral ang mga double standards na ganyan sa industriya.

TONY LABRUSCA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with