Hindi nagtanong si Jose Manalo ng talent fee nang ialok sa kanya ni Senator Tito Sotto ang pagbibida sa Boy Tokwa: Lodi ng Gapo.
Happy na si Jose na siya ang napili ni Tito Sen bilang bida ng Boy Tokwa na maiden presentation ng VST Productions, ang film outfit ng incumbent senate president.
Ipinagmamalaki ni Jose na hindi isyu sa kanya ang talent fee dahil alam niya na generous si Tito Sen.
Hindi naging ugali ni Jose ang magtanong ng ibabayad sa kanya, kahit sa mga pelikula na ginawa nila ni Vic Sotto. Knows ni Jose na pagdating sa talent fee, never na nang-agrabyado ng kapwa ang Sotto brothers kaya type na type niya na makatrabaho ang dalawa.
Malaki ang tiwala ni Tito Sen kay Jose kaya kabado ito. Ipinagdarasal ni Jose na kumita sa box office ang Boy Tokwa para masundan pa ang mga movie project ng VST Productions.
Direk Tony mas pinIli ang Boy Tokwa
Si Papa Tony Reyes ang direktor ng Boy Tokwa: Lodi ng Gapo at knows ng lahat na expert siya sa paggawa ng comedy movies.
Si Papa Tony ang isa sa mga favorite director ni Bossing Vic at pinilahan sa box office ang mga pelikula na ginawa nila para sa iba’t ibang edition ng Metro Manila Film Festival.
Walang filmfest entry si Papa Tony noong nakaraang buwan dahil naging busy siya sa shooting at post production ni Boy Tokwa.
Sumusumpa si Papa Tony na magugustuhan ng moviegoers ang dramedy movie ni Jose na isang true story.
True na may Boy Tokwa na nakatira sa Olongapo City at isang con artist pero tumutulong sa mga mahihirap. Dead na ang tunay na Boy Tokwa na kilala nang personal ni Mama Kitchie Benedicto kaya nasabi nito na may strong resemblance sina Jose at Boy Tokwa.
Online show nina Boobay at Tekla itatapat kay Vice!
Confirmed na mapapanood na sa GMA-7 simula sa January 27 ang The Boobay and Tekla Show, ang dating Youtube show ng mga comedian na sina Boobay at Super Tekla.
Inilipat sa Kapuso Network ang online show nina Boobay at Super Tekla dahil sa popularity ng programa.
Si Rico Gutierrez ang direktor ng The Boobay and Tekla Show na itatapat ng GMA-7 sa talk show ni Vice Ganda.
Break up nina Julie Anne at Benjamin dini-dedma na
Hindi na masyadong pinag-uusapan ang rumored break up nina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.
Never na nagsalita si Julie Anne tungkol sa isyu dahil mas nakatutok siya sa kanyang mga showbiz commitment.
Mainstay si Julie Anne ng mga musical variety show ng GMA-7, ang Sunday PinaSaya at Studio 7 kaya pahinga muna siya sa Pepito Manaloto.
Para sa 2019, magkakaroon si Julie Anne ng mga concert tour, kasama si Christian Bautista. May show sila sa January 27 sa Iloilo Convention Center at sa The Atrium ng Limketkai Center sa Cagayan de Oro sa February 10.