^

Pang Movies

Pops inulan ng pakikiramay

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pops inulan ng pakikiramay

Bumuhos ang pakikiramay kay Pops Fernandez dahil sa pagkamatay kahapon ng kapatid niyang si Edwin.

 

Ilan taon na ring pabalik-balik sa hospital si Edwin at kahapon nga ay yumao na siya.

Nakita ko kung gaano alagaan ni Pops si Edwin.

Sabi ni Pops sa kanyang post tungkol sa pagkamatay ni Edwin, “Rest in peace my dear brother, Edwin. You have always been so good, quiet and patient. Enduring so much. No more pain. You are now with the Lord and papa. I love uou so much… I will miss you.”

Last year, nag-attend pa si Edwin sa birthday dinner ni Pops, pero noong December 12, wala ito sa birthday party niya na ginanap sa Teatrino sa Promenade, Greenhills, San Juan.

As of this writing, pinag-uusapan pa raw kung saan ibuburol si Edwin at malamang daw ay sa Heritage Memorial Park sa Taguig City gawin ‘yon.

To Pops and her family, our condolences!

Annabelle, Ruffa, at Richard nakigulo kay Vice Ganda

Sina Annabelle Rama, Ruffa at Richard Gutierrez sa taping ng GGV (Gandang Gabi Vice) kagabi para sa promotions ng Fantastica, ang Metro Manila Film Fetsival 2018 movie entry ng Star Cinema at Viva Films.

Hindi nakatanggi sina Bisaya at Ruffa nang hilingin ng GGV staff na samahan nila si Richard para sa guesting na ‘yon.

In fairness, tumutulong ang buong pamilya ni Richard, including Sarah Lahbati sa promotions ng Fantastica, ang first movie ni Richard kasama si Vice!

Dalawang taping nga pala ang ginawa kahapon ni Vice para sa GGV at ‘yon na raw ang last taping day niya for the year!

Riot nga pala ang guesting na ‘yon nina Bisaya, Ruffa at Richard sa GGV, kaya kaabang-abang ‘yon!

Kisses at Donny ‘di pa mag-dyowa

Hindi na na-surprise ang marami sa pag-amin nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio tungkol sa kanilang relasyon.

Obvious na obvious naman kasi ‘yon.

Kasama sa Fantastica movie ang mag-sweethearts at kasama rin doon ang love teams nina Maymay Entrata at Edward Barber and Kisses Delavin at Donny Pangilinan.

Marami na rin ang naghihintay kung bigla rin bang aamin sina Maymay at Edward dahil sobrang sweet naman sila at baka nga raw inililihim lang ng dalawa at sila na rin talaga.

Sina Kisses at Donny naman, obvious na hindi pa talaga mag-sweethearts!

Nakakatuwa nga pala na like Vice, Richard at iba pag cast ng Fantastica ay ang sipag din ng tatlong love teams sa pagpo-promote ng kanilang MMFF 2018 movie entry!

POPS FERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with