^

Pang Movies

Ate Vi nasapol ang problema ng mga pelikula kaya hindi kumikita

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Isang tanong na kalimitang tinatanong sa mga taga-showbusiness na nasa kongreso ay, ‘ano nga bang batas ang magagawa ninyo para matulungan ang industriya ng pelikula sa ating bansa?’

 

Hindi lang mga kandidato sa kongreso, lahat ng kandidato na nag-aambisyon kinakausap ang mga taga-showbusiness, kasi gusto lang nilang mapalapit sa masa. Pero ano nga ba ang gagawin nila para sa naghihingalong industriyang ito na hindi naman nila naiintindihan? Iyang mga kandidatong iyan pare-pareho. Puro may magagandang plano para sa industriya ng pelikula pero pagkatapos may nagawa ba?

Minsan nakakatawa nga eh, dahil kung magsalita sila, parang mas kabisado pa nila ang showbusiness kaysa doon sa mga talagang taga-rito na nasa kongreso na rin. Pero ano nga bang batas ang magagawa para tulungan ang industriya lalo na ng pelikula?

“Actually marami na tayong mabubuting batas na sumusuporta sa industriya ng pelikula. Noong nagsisimula ako, mayroon tayong sensura. Pero sa kabila ng sensura noong panahong iyon, nakakagawa tayo ng mga magagandang pelikula. Kahit na nga may sensura may panahong sumobra pa ang mga gumagawa ng pelikula eh.

“Noong araw, ang industriya ng pelikula ay sinasabing pinapatay ng napakalaking taxes. Ngayon malaki pa rin naman ang tax, pero nabawasan na nang kaunti nang ibaba ang amusement tax. Kung iisipin kahit papaano nakakatulong na iyan sa mga producer.

“Ngayon ko lang din narinig na may mga pelikula pala, lalo na iyong mga indie na nabibigyan pa ng gobyerno ng subsidy o napapautang ng pantapos ng pelikula nila. Noong araw, ang naririnig ko, basta kinakapos ng pera ang mga producer, sa mga theater owners sila nangungutang o humihingi ng advance.

“Ngayon, more than at any other time, napakaraming ginagawang film festivals para sa pelikulang Pilipino. Noong panahon namin isa lang. Kung hindi man kumikita ang mga pelikula sa kabila ng lahat ng iyan, aywan ko na kung ano pa ang magagawa nating batas. Baka naman minsan mali ang implementation ng batas, o kung minsan ang gumagawa na rin ng pelikula ang nagkukulang.

“I am not defending the star system dahil sa ako ay produkto rin niyan. Pero iyan ang nakasanayan ng mga tao eh. Pinanonood nila ang pelikula na gusto nila ang artista. Dapat naman may kasama kahit na isa o dalawang sikat na artista, pero kung magkukuripot ka at kukuha ng kahit na sino, huwag kang umasa ng malaking kita,” ang mahabang paliwanag ni Rep. Vilma Santos sa aming tanong.

“Hindi rin natin maiiwasan ang kumpetisyon. Ang bayad sa sinehan pareho sa pelikulang Pilipino at pelikulang Ingles. Tingnan naman ninyo ang quality ng pelikula nila. Pero napatunayan natin na ang pelikulang dayuhan ay kaya nating ibagsak basta maganda ang pelikula natin. Nagawa na namin iyan in the past, tinatalo namin ang mga foreign films sa kita. Kailan lang tinalo ng Kath­Niel iyong mga pelikulang Ingles na kasabay nila. Kaya natin kung iisipin, depende sa pelikulang ginagawa natin,” pagpapatuloy niya.

“Actually hindi batas ang nakikita kong kailangan. Parang mas kailangang pagbutihin pa natin ang ating mga pelikula para maging competitive tayo. Hindi rin totoong lugi na ang pelikula. Kung lugi ang pelikula sa atin, hindi na magpapadala ng pelikula dito sa atin ang mga dayuhan. Pero nagpapadala sila, ibig sabihin kumikita sila. Baka nasa atin naman ang problema,” pagtatapos ni Congw. Vi.

Mukhang tama ang lahat ng sinabi ni Ate Vi.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with