^

Pang Movies

Piolo at Juday nagkita sa hotel!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Piolo at Juday nagkita sa hotel!
Piolo at Juday

Balitang-balita ngayon ang aksidenteng pagkikita nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa elevator ng Novotel Hotel na ipinost ng isang netizen last Wednesday.

Makikita sa video na nagbeso ang dalawa nang magkita at nagtsikahan nang kaunti.

“Waaaah! PIOLO-JUDAY! alam ko na bakit sobrang tagal ni Papapi nag-antay ng elevator.. kasi naka tadhana na magkita sila ni Juday! hahaha! Movie naman dyaaaan!  @direkbinibini direk ito na ba ang sign? haha!” ang caption ng nag-post na may handle name na piolopascual_ph.

Ang direkbinibini na tinutukoy niya ay si direk Joyce Bernal na noon pa nagpaplano ng reunion movie para kina Juday at Piolo pero hindi nga matuluy-tuloy.

Obvious din na masayang-masaya ang nag-post ng video pati na rin ang mga netizen na nag-comment sa pagkikita ng dalawa. Dito pa lang ay kilig na kilig sila kaya paano na kung gagawa pa sila ng movie?

At ang daming naiinip sa reunion movie ng dalawa. Request nilang lahat na sana raw ay matuloy na.

Matatandaang noon pa sinasabi ni Piolo na any­time ay ready siya na gumawa ng movie with Juday at ang aktres na lang daw ang hinihintay niya. In fact, may naka-ready na nga raw na materyales para sa kanila.

Child Haus tuloy ang pagtulong

Marami na namang pinasayang mga batang may sakit na cancer si Mother Ricky Reyes sa ginanap na Christmas party ng Child Haus last Sunday sa Paco, Manila.

Ang Child Haus, founded by Mother Ricky ay temporary shelter para sa mga batang may sakit na cancer mula sa iba’t ibang probinsya na walang matutuluyan sa Manila habang sumasailalim sila sa medical evaluation or treatment.

Fourteen years na ang nasabing charitable institution at napakarami nang batang natulungan. Taun-taon din tuwing sasapit ang Kapaskuhan ay nagpapa-Christmas party si Mother Ricky para magbigay ng kasiyahan sa mga bata. Bukod sa mga gift ay may mga entertainer din na iniimbitahan sa nasabing event.

Nakakatuwa rin na hindi nakakalimot dumalo ang President ng SM Prime Holdings, Inc na si Mr. Hans Sy na noon pa’y tumutulong na sa Child Haus.

Si Mr. Sy ang nag-donate ng bagong building na kinalalagyan ngayon ng Child Haus na talaga namang tinatanaw ng napakalaking utang na loob ni Mother Ricky.

Sa nasabing Christmas party ay inanunsyo rin ni Mother Ricky na for this year ay 800 children ang tumira sa Child Haus pati na ang magandang balita na sampu lang sa mga ito ang nilisan ang a­ting mundo.

 

PIOLO AT JUDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->