^

Pang Movies

PMPC 30 years nang nangangaroling!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ang PMPC (Philippine Movie Press Club) ay more than 36 years na, at halos 30 years na itong nangangaroling. During that time of past president and founders na sina Ethel Ramos, Ronald Constantino, Andy Salao, Danny Villanueva, Billy Balbastro, Tony Mortel, Ernie Pecho, Boy C. de Guia, Letty Celi, Nora Calderon, Ricky Calderon, Veronica Samio at Jun Nardo na siya namang pangulo ng Empress at si Nene Riego na taga-Empress din, mara­ming members ng PMPC ang tumiwalag at nag-join sa Empress. Ganun pa man, tuloy pa rin ang ikot ng mundo. Very successful ang almost one week na karo­ling, ang mga inawitan ng singing group ay ang Radyo5 (TV5) sa programang Healing Galing, hosted by Dra. Edinell Calvario na napakagandang babae at very accomodating. Napakagaling niya e, kasi grabe ang mga gamot na give away niya lalo na ang langis na pamahid sa napakaraming uri ng sakit. Masang-masa ang dating ng magandang babae, mestiza at napakamalumanay magsalita pero matapang, lalo na sa kapakanan ng mga taong naaapi.

Atty. Acosta ipinagbubunyi

Siya ang dakilang chairperson ng PAO (Public Attorney’s Office), ang kagalang-galang na si Percida Acosta. Nakita namin siya sa kanyang Christmas party the other day. Ipinagbunyi siya ng mga taong may iba’t ibang problema na naghahanap ng hustisya, at nang malaman nila kung nasaan siya, nagpuntahan sila at hinintay ang kanyang pagdating. May mga dalang placard and chanting the name of Atty. Percida na akala mo ay rally pero ang totoo ay para siya ay makita at makausap.

Jack Em Popoy kasadung-kasado na!

Walang problema si Bossing Vic Sotto at ang producers ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, ang official entry ng CCM Film Productions, APT Entertainment at MZET Productions sa darating na bakbakan ng mga Pelikulang Pilipino na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018 sa Pasko kung saan for the first time ay may Kapamilya at Kapuso stars ang magkakasama. Iisipin ba ninyo na ang Hari ng Primetime TV ng Kapamilya na napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin ay isa sa main cast ng  nasabing pelikula? Kasama niya sina Vic Sotto at ang Phenomenal Star Maine Mendoza.

Punung-puno ng mga eksenang katatawanan, drama at action na forte ni Coco kung saan sinamahan pa siya ni Sen. Lito Lapid na siya ring fight instructor ng pelikula. Kasama rin siya sa Ang Probinsyano.

Ang iba pang kasama sa cast ay sina Tirso Cruz III, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Mark Lapid, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryz­za Mae Dizon, Baste, PJ Edrinal at iba pa.

Naku, riot na naman ito, tiyak ang mga bagets ay hindi papayag na hindi sila makanood ng Jack Em Popoy. Well, ang mga bata kasi ang mga madadatung ‘pag sumasapit ang Kapaskuhan.

FPJ maraming masasayang alaala tuwing Pasko

Mahirap makalimutan si Da King, ang yumaong si Fernando Poe Jr. lalo na kapag ganitong nag-aamoy Pasko na. Kasi ang malimit niyang pamasko sa mga entertainment press na kilala niya ay bigas, hindi kilo-kilo lang kung hindi tag-iisang sakong bigas bawat isa, at take note first class ang bigas. At kung kilala ka talaga niya, tiyak may listahan siya na kasama ang name mo at ipinadadala mismo sa bahay niyo at isa ako sa mga nakatikim ng pamaskong bigas. Tungkol naman sa karoling, ang PMPC ay ilang Pasko nang nangangaroling sa bahay nila ni madam Susan Roces sa Greenhills.

Hindi ka puwedeng kumanta sa labas kaya pasok sa loob, ang kinakanta namin ay ang Malamig Ang Simoy Ng Hangin, nakita namin siya, pailing-iling at pinapahid ang kamay sa noo.

Hay naku, kung babalikan mo ang mga nakalipas na panahon noong alive pa ang Hari ng Pelikula, marami kaming mga unforgettable memories. Isa na rito ang nang makipag-away ang Lo Waist Gang na mga bata pa noon, binu-bully sila ng isang grupo rin na naiinggit marahil dahil sikat sila.

Ang Lo Waist Gang ay kinabibilangan nina Bobby Gonzalez, Boy Sta. Romana, Butch Bautista and Zaldy at Mario at another guy na forget ko na ang name na magaling sumayaw at syempre si FPJ.

Nagkabatuhan na at ako naman ay nakiusyoso, napatakbo ako at dahil maluwag ang shoes ko, nadapa ako at napigtal ang isang tali ng sapatos ko at tumalsik kaya umuwi akong nakapaa.

Heto pa, may tanong si Da King sa aming grupo noong time na in-invite niya kami sa Laguna, sa shooting ng Asedillo, ano raw ang tawag sa maliit na batya? At that time ang ulam ay litson, pero hulaan daw muna ang pangalan ng maliit na batya para makakain ang makakahula. Waley! Kaya si FPJ na rin ang sumagot sa tanong niya haha. Sagot: e, di tansan! Naku, marami pa kaso tiyak galit na ang aming magayon na editor Ma’am Salve Asis! Pero a million thanks sa babaeng “The face that refreshes” walang kupas, si Miss Susan Roces.

Nakakainis siya, bakit ang ganda-ganda niya after so many years? Anyways, basta mabait ka sa kapwa, mahirap, mayaman, may puso at maka-Diyos, forever na maganda ka, gagawin ko yan! Para gumanda rin ako, no!

PMPC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with