^

Pang Movies

Halik hit na rin sa ibang bansa!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Halik hit na rin sa ibang bansa!

Malaking challenge para sa mga guma­gawa ng kuwento ng Halik na mapanatili ang interes ng manonood ng serye lalo na ngayong ipinaaangkin sa character ni Jericho Rosales ang ipinagbubuntis ng character naman ni Yam Concepcion. Mag-asawa ang role ng dalawa pero matagal na silang hiwalay kaya kaduda-duda ang pagi­ging ama ni Lino sa dinadala ni Jade. Aabot pa raw ng first quarter ng 2019 ang kon­tro­bersyal na serye na nagbibigay ng malaking kasikatan kina Jericho, Yam, Yen Santos at Sam Milby.

 

Kasalukuyan pang ipi­na­­lalabas dito ang Halik pero big hit na ito sa foreign market. Ang dami-daming bansa ang interesado nang makakuha ng franchise nito. Ang Wildflower ni Maja Salvador ay napapanood na sa maraming bansa sa Asya at maski na sa Amerika at Africa.

Arjo pinaiiwas kay Maine?!

Itinanggi ni Maine Mendoza na may something sila ni Arjo Atayde bukod sa pagkakaibigan. Isinisisi dito ang pagiging absent ni Arjo sa presscon ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Pinaiwas daw ito at baka matanong sa isyu dahil baka makasira sa pagpapareha kina Maine at Coco Martin? Hindi pa ba natatanggap ng AlDub fans na talagang walang aasahang romansa sa phenomenal pair? Tsk Tsk Tsk Move on na po kayo.

Baguhang singer kinilala na agad 

Masuwerte si Gng. Lorna Tobias dahil tamang mga tao ang unang nakilala niya nang magpasya siyang pasukin ang mundo ng musika at recor­ding na ang baon lamang bukod sa kanyang pinag-ipunang kapital ay ang kanyang great passion for music. Nagabayan siya sa tamang landas ng mga ito para maitayo at maitatag ang LST Music and Production. Marami ang nag-venture into this kind of business pero nabigo.

Iniwan sila sa ere ng mga nagkunwaring may mabubuting puso pero nawala rin ang mga ito nang maubos ang kanilang pera.

Isang magandang compilation album ang bwena manong handog nila sa mga music lover na nagtatampok sa mga original na Pilipino music na kung hindi solong kinompos ni Gng. Tobias ay kolaborasyon nila ng maga­ling na aktor na si Arnold Reyes. Isa ring magaling na singer composer ang aktor pero napabayaan niya ito nang mag-concentrate siya sa pag-arte.

Bukod sa pagiging isang physical album ng Sana May Forever Love album, available na rin ito sa digital platform worldwide gaya ng iTunes, Google Play, Amazon, Deezer, cd baby at Spotify.

Dalawang Pinoy Boyband ang kasama sa nasabing album, ito ay sina Lharby Policarpio (Kung Malaya Ka), Reynald Simon (In Love Ako Sa’Yo), Arnold Reyes (Sana May Forever), Brenan Espartinez (Bakit Mahal Pa Rin Kita), Jingle Buena (You Color My World), Sue Galvez (My Heart Aches), Renz Verano (Hindi Na Ba), Pat Cardoza (Wala Lang Ba Talaga), Chivas Malunda (Hindi Ko Kaya), Faith Cuneta (Mahal Kita) at Laarni Lozada (Ikaw Yun).

Bago pa lamang ang LST sa industriya pero tumanggap na ito ng pagkilala, pati na si Gng. Tobias sa PMPC Star Awards for Music bilang 2018 Best Compilation Album, Best Female Acoustic Singer (Jingle Buena) at R&B Artist of the Year (Brenan Espartinez).

HALIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with