Sana sa 2019... Luis mag-offer ng kasal kay Jessy! Bela magka-dyowa na
In line Salve A. with the 15th anniversary of PM (Pang Masa) and considering too that in 19 days, we will be celebrating Christmas day naman, allow us to make 15 wishes for 15 of our favorite celebrities.
Anne Curtis : For her to get pregnant na, as one year na sila exactly last November na ikinasal ng kanyang mister na si Erwan Heusaff.
Wouldn’t it be nice if they celebrate Christmas 2019 with their first baby? Mapa-babae man ang bata o lalaki.
Meanwhile, let’s first wish Anne good luck as her Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry is showing on Christmas day.
Titled Aurora, a Viva Films production, directed by Yam Laranas, horror/thriller ang genre ng movie.
Coco Martin: Courage to finally tell the truth and nothing but the truth na tunay ngang dalisay ang pag-ibig na nararamdaman niya sa fellow Kapamilya actress niyang si Julia Montes.
Kasing tagal na yata ng kanyang action series, FPJ’s Ang Probinsyano, mula nang mapabalitang may something special between them.
Be fair naman kay Julia, Coco. And to yourself na rin.
Like Anne, Coco also has a MMFF entry, ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles which he himself directed using his real name, Rodel Nacianceno, it co-stars him with Vic Sotto at Maine Mendoza.
Si Coco rin ang isa sa producers nito. His co-producers are Vic’s MZET Productions and Tony Tuviera’s APT Entertainment.
Miles Ocampo: A former Goin’ Bulilit talent, Miles, now 20, has never had a boyfriend, kaya wish namin na maranasan na niyang umibig, since ayon naman sa kanya, may mga manliligaw din naman siya.
Afraid, lang daw siya to fall in love. Kung bakit, ayaw naman niyang sabihin.
Isa si Miles sa pinakamagaling na artista ng kanyang panahon. Pretty too at sexy ito. She is in the cast too of MMFF entry, One Great Love, co-starring her with Kim Chiu, Dennis Trillo, JC de Vera and Marlo Mortel.
A production of Mother Lily’s Regal Entertainment, One Great Love is directed by Eric Quizon.
Mother Lily: Huwag sana siyang magsawa sa pagpu-produce ng pelikula. She has been in the business for almost 30 years.
Lately, Mother Lily complained na waring mas tinatangkilik ng Pilipinong manonood ang mga pelikulang banyaga. Lalo na raw ng millennials.
Hope niya na sa New Year, mga pelikulang gawa naman ng mga Pilipino producers ang bigyan pansin ng manonood.
Kim Chiu: Magkatotoo sana ang hula na siya ang mananalong best actress sa darating na MMFF 2018 Awards Night for her performance in One Great Love.
Wish din ni Kim na maging busy siya with assignments next year nang patuloy daw niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga mahal sa buhay. Lalo na ang kanyang Lola at mga kapatid.
Right now, bukod sa One Great Love, napapanood din gabi-gabi si Kim as co-host nina Robi Domingo, Melai Cantiveros, Alex at Toni Gonzaga sa trending reality show na Pinoy Big Brother (PBB) Otso.
Robi Domingo: For him to have found his one great love finally in his new girlfriend, na dating classmate niya sa Ateneo de Manila University.
Sayang at bagay sana sila ng kanyang former girlfriend, now a TV host too na si Gretchen Ho.
But as the saying goes, mahiwaga ngang talaga ang pag-ibig.
Bela Padilla: A perfect match for her. Walang napabalitang nagkaroon ng bagong pag-ibig si Bela since her break up from her film and TV producer boyfriend na si Neil Arce, now the love of her life na ni Angel Locsin.
Napabalitang nagkagusto sa kanya si Senator Sherwin Gatchalian.
Now, ang dating beauty queen naman ngayon na nasa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano na si Bianca Manalo ang balitang gustong ligawan ng mayaman at batang senador.
Make up your mind, Senator Sherwin.
Luis Manzano: Please answer the question if you really have proposed na kay Jessy Mendiola.
Sa presscon of her MMFF entry, The Girl In The Orange Dress, Jessy revealed na habang napag-uusapan na nila ang tungkol sa pagpapakasal, Luis haven’t yet formally propose to her.
Kung sabagay, Jessy at 26 feels she’s not yet ready for marriage.
In The Girl In The Orange Dress, Jessy has for her leading man Jericho Rosales and Jay Abella bilang director.
Sa totoo lang, wish namin Salve A. na magkaroon ng movie si Luis with her Mom, the Star for All Season, Vilma Santos-Recto with Jessy co-starring with them.
Sharon Cuneta: Katuparan ng kanyang wish na maging Lola na to her daughter, KC Concepcion.
Tiyak nga naman kasing magiging maganda ang apo niya kay KC kung babae ito, at handsome naman kung ito’y lalaki.
Isang Frenchman ang napapabalitang mapapangasawa ni KC, hopefully next year. Pag nagkataon, magiging Lolo na rin for the first time si Gabby Concepcion, ang biological dad ni KC.
Andrea Brillantes and Francine Diaz: Stardom for the two of them after their much-talked about current series, Kadenang Ginto.
Both beautiful and talented, Pero sana, they will be built up individually.
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla: Another blockbuster tandem from them. Their last movie together this year, The Hows of Us, reportedly grossed close to one billion during its regular run lang dito sa Pilipinas and abroad.
With of course, again direk Cathy Garcia-Molina at the helm and with Star Cinema producing.
Aga Muhlach and Lea Salonga: Sana maulit muli ang kanilang, like one of their most memorable film together, Sana Maulit Muli, directed by new Star Cinema managing director, Olive Lamasan.
And last, but not least na wish namin both ni Lolit Solis ay pagbabalik-kaibigan at closeness between two people we both love.
May pag-asa kaya, Salve A.?
And to all of you PM readers, a truly Christmas and a bountiful 2019.
- Latest