General Bato aminadong walang pambayad kay Coco

Aminado si retired Philippine National Police Chief Director General na si Ronald ‘Bato’ dela Rosa na talagang na-bother siya sa naging plot ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan ay naging rebelde nga ang pulis na si Cardo Dalisay portrayed by Coco Martin kasama na ‘yung pagpapakita ng mga ilang corrupt policemen especially the high ranking officials.

 

“Talagang naba-bother tayo dahil unang-una, for the sake of kabataan, alam mo ‘yung malaking impluwensiya ‘yan sa utak ng mga bata. ‘Yung nakikita nila sa TV, kapag nakikita nila palagi na ang pulis ay masama, magpo-form ‘yan sa kanilang isipan na talagang masasama ang pulis.

“So, hindi maganda ‘yung lumalaki ang mga bata na ang pagtingin sa pulis ay talagang masama,” pahayag ni Gen. Bato.

“At pangalawa, doon naman sa matitinong pulis, ako ang nasasaktan para sa kanila, 98% ng kapulisan ay matino, 2% lang ‘yang sira-ulo.

“In fairness naman, ako ha, kung ako lang ang masusunod, why highlights the misdeed of this 2% instead of highlighting the good deeds of this 98% na talagang nagbubuwis ng buhay, talagang nagtatrabaho nang matino at magiging unfair tayo sa kanila pag ganu’n ang treatment natin sa PNP as an organization,” dagdag pa ng Senatorial candidate.

Pero ano ang masasabi niya na marami naman ang may gusto nang mag-pulis dahil kay Cardo Dalisay?

“Noon ‘yun, noong ang plot ay pulis pa talaga si Cardo, hindi pa nagrebelde. ‘Yan ang alam ko. Ang ganda ng ratings ng PNP noon, talagang umangat.

“’Yung pag-start natin sa War on Drugs, nakita ko ‘yung plot niya, parating pabor sa pulis,” saad pa ng dating PNP Chief.

Pero masaya naman daw siya na naayos na rin ang issue ngayon.

Natanong din si Gen. Bato kung kukunin ba niyang endorser si Coco at aniya, hindi raw niya kaya ang talent fee ng aktor pero kung magbo-volunteer naman daw ito na tulungan siya ay okay na okay sa kanya.

When asked kung ano ang nag-push sa kanya para tumakbong Senador, aniya ay marami raw siyang gustong baguhin sa exis­ting laws natin at marami rin daw siyang gustong gawing bagong batas na makakapag-improve sa sitwasyon ng ating bansa.

“Pangalawa, gustong-gusto kong suportahan si Presidente (Rodrigo Duterte) sa kanyang mga programa dahil nakikita ko, kung wala siyang mga kaalyado or kakampi sa Senado, mahihirapan siyang isabatas ang kanyang mga programa.

“So, sabi ko, I must be there to support him para tuloy-tuloy ang mga gusto niyang programa,” he said.

Kim hindi nirerendahan ni Xian sa bed scenes

Ayon kay Kim Chiu, hindi naman daw niya kinailangang magpaalam pa sa boyfriend na si Xian Lim sa kanyang mga kissing scenes with Dennis Trillo and JC de Vera sa One Great Love.

“Pag trabaho naman, hindi namin ginagawa ‘yun, pero napagkukuwentuhan namin, katulad nun’g gumawa siya ng Sin Island. After nu’n, naging open na siya,” sey ni Kim.

Wala naman daw problema sa kanilang dalawa pagdating sa mga ganung bagay dahil alam nilang trabaho ito na kailangan nilang gawin.

Besides, hindi naman daw istriktong boyfriend si Xian at pinayuhan pa nga raw siyang galingan niya para sa ikagaganda ng movie.

Pero hirit niya, mas malala naman daw ang ginawa ni Xi sa Sin Island kaysa mga kissing scenes niya sa One Great Love.

“Ito, pang-Pasko lang ang datingan,” natatawang sabi ni Chinita Princess.

Showing na sa Dec. 25 ang One Great Love bilang isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2018 mula sa direksyon ni Eric Quizon under Regal Films.

 

Show comments