Rainbow’s Sunset ginawa para sa mga magulang nina Herbert at Harlene

Inialay ni Harlene Bautista sa yumaong ama’t ina na sina Butch at Baby Bautista, ang latest offering ng film outfit nilang Heaven’s Best ang Metro Manila Film Festival 2018 entry na Rainbow’s Sunset sa isang mensaheng ipinadala niya sa cast, staff at media na dumalo sa grand presscon ng Joel Lamangan movie kahapon sa Le Reeve Events Place, QC.

May previous out of town appointment si Harlene kaya nagpadala siya ng mensahe na ikinatuwa ng lahat ng dumalo.

“Heaven’s Best Entertainment will forever take pride in producing this amazing masterpiece. Thanks Direk Joel, Tito Eddie (Garcia), Tita Gloria (Romero) and the rest of the cast and the entire production team. Most of all to Sir Tony (Mabesa), my mentor and some of the rest of Dulaang UP, we loe you and thank you for molding us in becoming artists that we are today.

“Salamat Tito Pip (Tirso Cruz III), Aiko (Melendez) and Sunshine (Dizon). Maraming salamat po sa buong cast.

“My love also o Eric Ramos sa napakagandang obra.

“We lovingly dedicate this beautiful movie to our parents Butch and Baby Bautista.

“From Herbert, Hero and Harlene Bautista, maraming salamat po Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!” mensahe ni Harlene.

Isa sa cast ang anak nina Harlene at Romnick Sarmenta, si Zeke Sarmenta, na lumabas bilang isa sa apo nina Eddie at Gloria.

Hindi nakarating sa presscon si Tita Glo dahil inaatake ng kanyang vertigo habang si Pip naman ay pinapawi pa rin ang lungkot dahil sa pagkamatay ng panganay na anak, si TJ Cruz.

Dennis, Kim, at JC dinumog sa Cebu!

Hindi magkamayaw ang mga Cebuanos sa presence nina Dennis Trillo at Kim Chiu sa mall show nila sa Gaisano Island Mall para sa festival movie nilang One Great Love.

Ang saya-saya ng crowd at kahit medyo ginabi na eh, ayaw pa nilang umalis ng venue, huh! Ang bongga sa crowd, behave sila’t todo palakpak sa bawat number ng tatlong bida.

Sa totoo lang, hindi pa rin nawawala ang init ng pagtanggap ng Cebuanos kay Kim mula noon hanggang ngayon. Maging sina Dennis at JC de Vera eh, namangha rin sa warm welcome sa kanila sa Queen City of the South, huh!

Marunong din kasing tumanaw ng utang na loob si Chinita Princess sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

Show comments