I Love You Hater at Seven Sundays tampok sa OpenAir Cinema One

MANILA, Philippines — Pangungunahan ng I Love You Hater at Seven Sundays ang pinaka-inaabangang OpenAir Cinema One ngayong Pasko na pinamagatang Sinesaya na magaganap sa Disyembre 8, 6PM sa Lancaster New City Cavite.

 

Tampok ang JoshLia tandem sa I Love You Hater bilang sina Joko (Joshua Garcia) at Zoey (Julia Barretto), na maglalaban para mapiling personal assistant ni Sasha (Kris Aquino). Mula ito sa direksyon ni Giselle Andres.

Upang matulungan ang kanyang pamilya at makuha ang posisyon, magpapanggap si Joko na bakla, habang unti-unti namang mahuhulog ang loob ni Zoey sa kanya sa kabila ng pag-aakalang hindi siya nito magugustuhan. Ano kaya ang magi­ging reaksyon ni Zoey at Sasha kapag nabuko nila ang katotohanan kay Joko?

Dodoblehin rin ng OpenAir Cinema One ang saya kasama ang blockbuster family drama na Seven Sundays, na pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Cristine Reyes, at Ronaldo Valdez, mula sa direksyon naman ni Cathy Garcia-Molina.

Kasama rin sa kasiyahan ang Star Pop artist na si Maris Racal handog ang kanyang mga bagong awitin.

Show comments