^

Pang Movies

Atak na-trauma nang pumunta sa sugalan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Atak na-trauma nang pumunta sa sugalan!
Atak Arana

Nagpapasalamat sa Diyos ang comedian na si Atak Arana dahil unti-unti na siyang nakakabangon mula sa pagkakasadlak ng kanyang career noong nakaraang taon dahil sa pag-akusa sa kanya ng sexual harassment.

October 2017 nang ma-headline si Atak na hinaras daw niya ang isang bellboy ng Okada Hotel. Naranasan ni Atak ang mapahiya, makulong at mawalan ng trabaho dahil sa maling akusasyon na ‘yun. Kinasuhan pa siya sa salang acts of lasciviousness ng Okada employee na si Mark Maca­vinta.

Noong nakaraang October 2018 ay one year na siyang natengga sa trabaho dahil sa mga nangyari.

“Na-suspend ako sa dalawang shows ko sa GMA-7, yung Sunday PinaSaya at Dear Uge. As in, wala akong naging regular na pinagkakakitaan except sa mga raket-raket na shows.

“Ang hirap para sa tulad ko ang mawalan ng kabuhayan kasi may mga sinusuportahan tayong mga kamag-anak, may mga binabayaran tayo. Ang hirap talaga.

“Kaya noong medyo nagkakaroon na ng linaw ang lahat, positibo pa rin ako sa mga mangyayari. Mapapatunayan na wala akong kasalanan,” diin pa ni Atak.

Inamin din ni Atak na dumaan siya sa matin­ding depression dahil sa pangyayaring iyon. Nagkaroon na rin siya ng trauma, lalo na sa mga lalakeng bigla na lang lumalapit at nagpapakilala sa kanya.

“Sobra akong na-down talaga. Pero nabigyan ako ni Lord nang pagkakataon na mag-isip-isip sa takbo ng buhay ko.

“Ngayon iniiwasan ko na ang mga bisyo ko dati. Lalo na ‘yung pagsusugal. Hangga’t maaari ay iniiwasan ko ‘yan. May time na parang nate-tempt ka, ‘di ba? Hindi madaling magbago agad. Pero kapag naiisip ko ‘yung nangyari sa akin sa Okada, dun ako nagigising sa katotohanan at iiwasan ko ang pagsusugal.

“Ganun din sa mga lalake. Iwas na lang tayo sa temptasyon, ‘di ba? Tao lang tayo para magkamali, pero ‘yung maulit pang maloko ka at akusahan ka, hindi na tama iyon,” sey pa niya.

Kamakailan ay ni-launch ng Viva Records ang debut digital album ni Atak na Attack Na Si Atak kunsaan ang unang single niya ay available for download na sa Spotify at Amazon.  Nakakapag-show na rin sa ibang bansa si Atak kaya unti-unti nang bu­mabalik ang magandang kapalaran sa kanya.

Jeff Langan inaasahang masusungkit ang Manhunt International title

Lumipad na patungong Gold Coast, Australia ang Philippine representative natin para sa Manhunt International 2018 na si Jeff Langan.

Nagkaroon ng send-off party para sa Filipino-American model na si Jeff sa Empire Studio sa Uptown Mall na pinangunahan ng CEO ng Mercator at EmpirePH at beauty queen maker na si Jonas Gaffud.

Ang gumawa ng mga isusuot ni Jeff sa naturang contest, kasama na ang national costume, ay ang designer na si Francis Libiran.

Sa December 2 na ang finals night ng Manhunt International at makakalaban ni Jeff ang 32 contestants mula sa iba’t ibang bansa.

ATAK ARANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with