^

Pang Movies

‘Christmas songs nakakalungkot na’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ngayon ko na-realized na iyon palang mga Christmas songs maraming sad ang lyrics at sounds. Iyon mga kanta ni Michael Buble at Nat King Cole pag pinatugtog mo parang may melancholia kang madarama. Bakit ganun? Nung bata tayo parang hindi naman ganun dating sa iyo ng mga song ng Pasko, saya ang dala nito pero pag matanda ka na pala iba na dating. Habang pinakikinggan ko parang sad na sad ang feeling lalo na iyon Oh Holy Night at I’ll be Home for Christmas.

Hay naku, when you are superior (se­nior), iba na rin talaga lahat ng bagay, iba na rin dating ng mga pangyayari, ng mga okasyon.

Merry Christmas, Happy Holidays basta be merry and happy.

Sexy actress umayaw sa dyowang tamad

Ipinagtapat ng isang sexy actress na ang pagkakaiba nila ng ugali ng ama ng kanyang anak ang dahilan kaya nakipaghiwalay siya.

Ang sabi ng aktres, taon ang binilang bago siya nagkaroon ng power na iwanan ang mhin na tila walang ambisyon sa buhay.

In fairness sa aktres, masipag siya at masinop sa datung. Siya ang tipo na pipiliin ang trabaho kesa magkaroon ng successful lovelife dahil sanay ang aktres na magbanat ng buto.

Malayung-malayo ang ugali niya sa ex-boyfriend na happy-go-lucky ang image at parang kuntento na lang sa kung ano ang meron siya.

Gabbi mas masaya kay Khalil

Obvious na naka-move on na si Gabby Garcia mula sa pagkabuwag ng loveteam nila ni Ruru Madrid at siyempre, happy na siya sa piling ng kanyang rumored boyfriend na si Khalil Ramos.

Na-realize raw ni Gabbi na makaka-survive ang kanyang acting career kahit walang kapareha nang ilagay siya ng GMA-7 sa cast ng Pamilya Roces.

Memorable kay Gabbi ang primetime show ng GMA 7 dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang multi-awarded director na si Joel Lamangan.

Sa true lang, napakasuwerte ni Gabbi dahil isang malaking karangalan para sa mga artista na maging direktor nila si Joel.

Isa lang naman ang ayaw na ayaw ni Joel, ang mga artista na walang pagpapahalaga sa oras ng trabaho. 

Presscon para sa MMFF movies, sabay-sabay

Hindi na sa December 5 ang Christmas party ng GMA-7 para sa entertainment press.

Nag-decide ang Kapuso Network management na ilipat sa December 4 ang annual Christmas party nila para sa entertainment press dahil hindi available sa December 5 ang Studio 7.

May taping ng Christmas Special ng GMA-7 sa December 5 sa Studio 7 kaya inilipat sa December 4 ang very much anticipated Christmas party.

Magiging busy sa December 4 ang entertainment writers dahil bukod sa Christmas party ng GMA-7, may balita na tatlong presscon para sa mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2018 ang magaganap sa nasabing petsa kaya praying sila na may magkansela ng mediacon bilang ayaw nila na mangarag sa araw na ‘yon.

CHRISTMAS SONGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with