^

Pang Movies

Coco makikipagtuos pa kay Gen. Albayalde

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Coco makikipagtuos pa kay Gen. Albayalde
Coco Martin

Si Coco Martin mismo ang nagpunta sa Kampo Crame noong isang araw, kasama ang kanilang producer na si Dagang Vilbar at iba pang executives ng ABS-CBN, upang makipag-usap kay DILG (Department of the Interior and Local Govern­ment) Secretary Eduardo Año tungkol sa naging problema nila sa FPJ’s Ang Probin­syano.

Ayon kay Coco mismo, pagkatapos ng kanilang meeting, nagkasundo naman sila sa lahat ng mga bagay at nangakong magtutulungan pa sa kung ano ang mas makakabuti sa kani-kanilang ahensiya at sa bayan. Nangako rin si Coco na ang character ni Cardo Dalisay ay patuloy na magiging isang mahusay at matapat na pulis.

Pero sa Lunes, may meeting pa rin daw siya, at sa pagkakataong iyon ang kakausapin naman niya ay si Police Director General Oscar Albayalde.

Tingnan ninyo, isang usapan lang naayos na ang lahat. Kaya nga sinasabi namin from the start, tama ang attitude ni Coco.

Hindi siya nagyabang. Sinabi niyang kung may pagkakamali ay nakahanda siyang ituwid agad iyon para sa ikabubuti ng lahat.

Hindi mo naman talaga masasabing walang mali ang show. Sabi nga nila, “akala mo lang wala, pero mayroon, mayroon, mayroon”.

Iyong iba lang kasi riyan dinadaan sa pagtatapang-tapangan. Pinipilit nilang ang gustong mangyari ng PNP ay pakialaman ang serye. Pero may legal na batayan. May batas na bawal gamitin ang uniporme, logo at iba pang may kinalaman sa pulisya maliban sa opisyal na functions. Ang mga pulis mismo kapag puma­sok sa isang lugar na hindi tama ang suot na uniporme ma­aaring kasuhan eh. Alisin nila ang uniporme ng pulis diyan sa Probinsyano, ano ang gagawin nila, pulis pangkalawakan?

Puro sila freedom of speech. Ang kalayaan may kaakibat ding responsibilidad at tama si Coco. Kung may mali ituwid na lang para sa lalong ikabubuti ng bayan.

TJ nagtayo ng foundation noon para sa mga may cancer

Napakalungkot na balita iyong napakaagang namatay ang anak na panganay ni Tirso Cruz III na si TJ. Siya ay 37 years old lamang. Natatandaan namin iyon ding kapatid ni Pip, si Woody, batang-bata pa rin nang mamatay dahil sa isang aksidente.

Nag-artista rin si TJ. Kasama siya sa original cast ng Ang TV. Tapos nakagawa rin siya ng dalawang pelikula noong bata pa siya. Noong nagbibinata na naging masikap siya sa pag-aaral at iniwan na ang showbiz. Nagkaroon ng isang foundation si TJ na naglalayong tumulong sa mga batang may sakit lalo na ang cancer. Sinasabing sinimulan niya iyon lalo na noong si Pip ay sinabing may cancer din.

Ang pumatay kay TJ ay lymphoma, cancer din iyan sa dugo.

Ipagdasal natin hindi lang si TJ kung di ang lahat ng mga may cancer. Sana matapos na ang sakit na iyan na napakarami nang pinatay.

Tisoy na bagets na minanyak ng aktres, nag hosto rin pala sa Japan!

Believe kami sa memory ng aming kasamahang si Wendell Alvarez. Natandaan niya, may tisoy na bagets na kasali noon sa isang youth oriented TV show. Noong mawala na ang show, nag-hosto sa Japan at nagtrabaho rin sa isang gay bar na ang may-ari ay isang talent manager ang tisoy na bagets.

Doon naman daw nakilala iyon ng isa pang ta­lent manager na nagpakilala sa kanya sa isang female star na “mahilig”. Iyon daw ang nagsasabing “minanyak”siya ng female star.

Patunayan mo iyan Wendell. Baka magkaroon iyan ng imbestigasyon sa Senado.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with