Illegal recruitment maraming pinatay na pangarap!

Alam mo Mama Salve pag nanood ako ng news at nagbasa ng diyaryo, isa sa kinaiinis kong balita ay iyong tungkol sa mga illegal recruitment.

Hindi ba dapat medyo bigatan ang ibigay na parusa sa ganyang krimen? Pinatay mo ang pangarap ng isang tao, binigyan mo ng pag-asa, tapos niloko lang pala. Iyong ligaya ng mga magulang na akala nila magkakaroon ng trabaho sa ibang bansa ang anak nila, iyong binigyan mo ng pag-asa na baka gumanda ang buhay nila.

‘Yung iba nagbenta pa ng property para matuloy lang ang pag-alis ng anak nila, tapos niloko lang pala.

Wow kung minsan, ang mga naloko meron nang tinapos na pag-aaral, iyong iba menor de edad, ang iba naman ay bagong graduate. Pero tuloy pa rin iyong panloloko at naloko.

Ganun na ba tayo ka-gullible? O dahil lang kapit ka sa patalim dahil sa pagnanais mo ng magandang buhay?

Ito ang isang krimen na talagang higit pa sa pagnanakaw at pananakit. Ang sakit at kahihiyan na binigay mo sa isang taong umasa, iyong pinatay mo ang pangarap, ang kabiguan na magiging trauma niya buong buhay niya, higit pa sa pagpatay iyon.

You violate the most sensitive emotions of killing the dreams and hope of a person. Parang pinatay mo na siya.

Sana matigil na ito, mas mabigat na parusa ang dapat dito. No to illegal recruitment.

Ina dinamdam ang pagkawala ni TJ

Mahilig sumayaw at magaling na dancer si TJ Cruz kaya ang kanyang dancing talent ang isa sa mga hindi makalilimutan ng mga kaibigan niya, particularly ang aktres na si Ina Feleo na dinamdam ang pagpanaw ng panganay nina Tirso Cruz III at Lyn Cruz.

“It’s hard to imagine that this can happen to one of us, “legends kids” as we call ourselves. We dance and entertain our titas and titos. We act like kids because that is how they continue to see us, but we have fun anyway.

“Today we lost one of us, our choreographer for most of our silly production numbers, TJ. I can’t express how sad and how grateful I am at the same time for this family.

“If you see the photos below, you don’t see an ounce of sadness in us, to think that this was closely after my father passed away.

“No. I grieved for the most part, but this family helped me get through. Oh I will miss this and I thank you Teej. Ikaw ang partner ko madalas pag may grouping, and you are the best dance partner. I hate to see you go and am heartbroken to see your family go through this, but I know that time and love will heal us.

“Isa pa, tiwala akong marami ka pang pasasayahin ngayon sa langit. Paki-yakap na lang ako kay Daddy ah. Keep dancing,” ang grieving statement ng youngest daughter ni Laurice Guillen at ng nasirang aktor na si Johnny Delgado.

Aktor lihim na lihim ang relasyon sa totoong dyowa, naawa sa kaibigang aktres

Higit na marami ang hindi naniniwala na may secret love affair ang sikat na aktor at ang sexy star na nakatrabaho niya sa isang acting project.

Kumbinsido kasi ang doubting Tho­ma­­ses na may ibang karelasyon ang aktor, ang girl na walang koneksyon sa showbiz at sinasabi na secret girlfriend niya.

Malihim ang aktor kapag tungkol sa kanyang lovelife ang inuusisa ng fans at entertainment press dahil pinoprotektahan pa rin niya ang another actress na kaibigan lang ang kanyang trato.

Show comments