Kay Nay Lolit Solis ko unang narinig kahapon ng tanghali ang sad news na pumanaw ang eldest son nina Tirso Cruz III at Lynn Cruz na si Teejay.
Lungkot na lungkot siya dahil 35 years old lang daw si Teejay.
Lymphatic cancer ang naging naging sanhi ng maagang pagpanaw ng panganay na aktor na survivor ng cancer.
Sandali lang nag-showbiz si Teejay noon sa Ang TV. Ayon sa ilang information, pero nag-trabaho ito abroad at nang bumalik sa bansa ay nag-work sa isang hospital.
Ayon sa mayoclinic.com ang nasabing sakit ay : “Lymphoma is a cancer of the lymphatic system, which is part of the body’s germ-fighting network.
The lymphatic system includes the lymph nodes (lymph glands), spleen, thymus gland and bone marrow. Lymphoma can affect all those areas as well as other organs throughout the body.”
Habang sinusulat namin ito ay wala pang nilalabas na official information/statement ang pamilya nila Teejay.
Matapos dalawin, Coco hindi pa naaayos ang PNP!
Hindi pa pala na-settle kahapon ang isyu ng Ang Probinsyano sa PNP matapos ngang dumalaw si Coco Martin at ilang executive ng ABS-CBN sa National Headquarters ng Philippine National Police (PNP) para makipag-dialogue with Department of the Interior and Local Government (DILG) and Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Dumalaw si Coco sa PNP Headquarters para makipag-ayos matapos ngang tanggalin ng PNP ang kanilang suporta sa kanyang three-year old drama/action series na Ang Probinsyano.
Kailangan pa raw bumalik ni Coco next week sa PNP office para makausap si PNP Chief Director General Oscar Albayalde.
Yup, may series of talks daw na magaganap bilang na-bad trip nga ang PNP sa panget na portrayal sa kanilang mga character sa nasabing palabas ni Coco.
Pero teka, sa MMFF entry kaya ni Coco na Puliscredibles, hindi kaya magka-conflict uli siya PNP personnel?
Laureen Uy natutong magtipid
Kilala ang fashion at travel vlogger na si Laureen Uy sa kanyang pangarap na maglibot sa iba’t ibang dako ng mundo at magsuot ng magagarang damit, pero sa kanyang iWant original show na Laureen on a Budget, sinusubukan ni Laureen ang iba’t ibang challenges na kailangang pasok sa kanyang budget.
“Every episode, I do a certain challenge with a special guest that is why I have been filming a lot with my vlogger besties, Raymond (Gutierrez), my siblings, and everyone who is close to me,” sabi ni Laureen sa kanyang vlog tungkol sa iWant show niya sa kanyang YouTube channel.
Ipapakita sa Laureen on a Budge ang pagiging madiskarte ni Laureen sa pagtitipid at pag-iipon na hindi nasasakripisyo ang kalidad at kaginhawaan.
Mula sa pag-redecorate ng kwarto hanggang sa pagbuo ng magagandang outfits, naglakas loob si Laureen na tanggapin ang iba’t ibang nakakaaliw na hamon sa kanya, habang ipinagkakasya ang kanyang P999 budget.
“’Yung maximum budget is always P999, but hindi ko kailangang ubusin lahat ng iyon. The lower I spend, the better,” sabi ng kapatid ng stylist na si Liz Uy.
Ayon sa sikat na vlogger, mahirap pero exciting ang challenges. Sa katunayan, nagkaroon pa siya ng makeup challenge at wardrobe haul, kung saan kailangan niyang bumili ng mga damit na mailalagay niya sa isang closet.
Mapapanood din ng iWant users ang vloggers at social media influencers tulad nina Camille Co, Kryz Uy, BJ Pascual, Liz Uy, Vince Uy, at ang beauty queen na si Michelle Gumabao bilang guests ng show.
Uy by the way, sabi nila ang pinaka-malaking TF daw ngayon ay ang mga social media influencer at stylist na minsan ay mas malaki pang maningil ng per day kesa sa mga client nilang celebrity.
True ba ‘yun?
Netizens na-inspire sa Ipadama ang Pasko
Nakatanggap ng maraming positive comments ang GMA sa netizens matapos ipalabas ang Christmas Station ID (SID) nito this year na Ipadama ang Puso ng Pasko. Ipinakita kasi rito na anuman ang estado mo sa buhay ay may kakayahan kang makatulong at magpasaya ng kapwa lalo na ngayong Kapaskuhan.
Sabi sa Facebook comment ng isang OFW mula sa Kuwait, kinilabutan siya sa galak at napaiyak noong napanood niya ang nasabing SID. Naramdaman daw talaga niya ang Pasko bilang isang Kapuso dahil pinadama ng GMA ang tunay na halaga ng okasyon.
Sa YouTube, may mga nag-congratulate rin sa mga taong gumawa ng SID at sinasabing ito raw ang best station ID ng GMA so far dahil sa ganda ng song at ng nilalamang mensahe nito. More on giving back ang theme nito na akmang-akma sa panahon. Napansin din nilang walang pino-promote na network merchandise ang GMA at hindi rin nakapokus sa mga artista.