Christmas song ng Kapamilya mahirap gamiting pang-caroling!
Dahil sa pagbirit ni Regine
Ipinalabas na nga kahapon ng dalawang rival networks na GMA-7 and ABS-CBN ang kani-kanilang Christmas Station ID. Sa bagong reformat ASAP Natin ‘To napanood ang Family is Love habang sa Sunday PinaSaya naman ang Puso ng Pasko CSIDs ng Kapamilya at Kapuso.
Bago ang release ng mga naturang CSID’s ay talagang pinag-uusapan na ito dahil bukod sa inaabangan naman talaga ito ng mga televiewers taun-taon, talk of the town din ‘yung first time na mapapasama ni Regine Velasquez sa Kapamilya CSID at first time namang wala siya sa Kapuso CSID.
In fairness naman sa dalawang networks, parehong napakaganda ng kani-kanilang CSID. Halatang pinag-isipang mabuti at parehong napaka-touching ng kani-kanilang tema’t mensahe sa sambayanan.
Natawa kami sa comment na nabasa namin na mahirap na raw gamitin ngayon sa caroling ang Christmas song sa CSID ng Kapamilya dahil sa pinagkataas-taas ni Regine ang kanyang part. Sobrang birit naman nga talaga ang ginawa ni Songbird at ‘yung part niya talaga ang pinakamataas na notes.
Mas may kilig flavor naman ang Family is Love than Puso ng Pasko dahil sa mga solo spots ng mga top Kapamilya loveteams tulad ng KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla), JaDine (James Reid and Nadine Lustre), LizQuen (Liza Soberano and Enrique Gil), JoshLia (Joshua Garcia and Julia Barretto).
Walang loveteams na nakita sa GMA-7 CSID at ang pambato sana nilang AlDub na sina Alden Richards and Maine Mendoza ay magkahiwalay na ipinakita.
Parehong pinuri ng mga netizens ang mga naturang CSID’s at siyempre, kanya-kanyang bet sila kung sino ang mas maganda.
Dingdong feeling manganganak
Ngayong gabi na ang pinakaabangang pilot episode ng Cain at Abel at parehong excited ang dalawang bidang sina Dingdong Dantes and Dennis Trillo sa pagsisimula nito.
“Parang panganganak ‘yan, eh. Gusto mong makita ‘yung produkto,” sey ni Dong.
Sa trailer ay mukhang hitik na hitik sa aksyon ang serye lalo pa nga’t kinuha ng production team si direk Toto Natividad na kialalang mahusay na action director.
Pero ayon kay Dong, more on drama talaga ang materyal ng Cain at Abel.
“Drama talaga siya. Isa siyang solid na buong-buong kwento ng isang pamilya, lalung-lalo na ng dalawang magkapatid na maghihiwalay ng landas.
“So, the action is just incidental. Pero ang talagang core ng storya ang aabangan dito. In fact, ‘yun ‘yung isa sa mga dahilan na na-excite akong tanggapin itong proyekto, bukod sa fact na makakasama ko rito ay si Dennis Trillo,” pahayag pa ni Dong.
Ayon naman kay Dennis, bukod sa makakasama niya si Dingdong, what also excites him ay ngayon lang daw siya ulit gagawa ng action-drama.
“Bukod sa makakatrabaho, ‘yung project mismo exciting siya dahil ngayon lang ako ulit gagawa ng action-drama sa TV. ‘Yung makasali ako sa show na ito, makatrabaho ulit si Dong, at siyempre ‘yung buong kwento, malaking project siya talaga kaya masaya ako na part ako ng programa,” sey ni Dennis.
- Latest