^

Pang Movies

Cast ng Spirits Reawaken, celeb VJs ng MYX ngayong November

Pang-masa
Cast ng Spirits Reawaken, celeb VJs ng MYX ngayong November

MANILA, Philippines — Magkakasamang haharapin nina Grae Fernandez, Chantal Videla, Jairus Aquino, Kira Balinger, Bugoy Cariño, at Patrick Quiroz ang pagiging celebrity VJ ng MYX ngayong Nobyembre.

Ibabahagi ng celebrity VJs ang kasiyahan sa kanilang pinagbibidahan na Spirits Reawaken, ang reboot ng 2004 thriller-adventure series ng ABS-CBN tampok ang mga teenager na mapagsasama ang kanilang mga kakaibang kapangyarihan upang labanan ang mga masasamang nilalang.

Mapapanood ito sa new content-on-demand digital app na iWant simula Nobyembre 17.

Abangan sina Grae, Chantal, Jairus, Kira, Bugot at Patrick sa kanilang paghahatid ng mga bagong music videos habang nagkukwento rin tungkol sa kanilang bagong proyekto.

Ang beteranong singer-songwriter na si Janno Gibbs naman ang mangunguna ngayong buwan bilang MYX Headliner. Excited na ang bagong Kapamilya na ibahagi ang kanyang mga minahal na kanta, pati na rin ang kanyang tampok na musika bilang bagong miyembro ng Star Music family.

Samantala, ang bandang Bita and the Botflies ang sasalang sa ilalim ng MYX Spotlight ngayong Nobyembre. Kilalanin ang blues/rock band na dala ang kanilang soul-stirring songs sa channel.

Panoorin ang MYX Celeb VJs na sina Grae, Chantal, Jairus, Kira, Bugoy, at Patrick sa Pinoy MYX mula Nobyembre 11 hanggang 17, Mellow MYX mula Nobyembre 18 hanggang 24, at sa My MYX mula Nobyembre 25 hanggang 30.

vuukle comment

SPIRITS REAWAKEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with