Cora nasa hitsura na babae ang ipinagbubuntis
Ang hula ng mga reporter, baby girl ang ipinagbubuntis ni Cora Waddell, ang leading lady ni Christian Bables sa Recipe for Love, ang coming soon movie ng Regal Entertainment Inc.
Magandang-maganda at very positive ang aura ni Cora nang umapir ito sa presscon ng Recipe for Love sa Valencia Events Place noong Huwebes.
Two months na ang sanggol na ipinagbubuntis ni Cora. May kasabihan na may suwerte na dala ang mga buntis kaya hoping na magkakatotoo ito kapag nagbukas sa mga sinehan sa November 21 ang pelikula nina Cora at Christian.
Ang Regal ang film company na unang nagtiwala kay Cora na binigyan nila ng pelikula at ginawang bida sa Recipe for Love. ‘Yun nga lang, na-in love si Cora kaya nagpakasal ito sa non-showbiz dyowa niya dahil obvious na mas mahalaga sa kanya ang personal life kesa showbiz.
Aktor lumitaw na ang kabadingan sa interview
Lumitaw ang kabadingan ng aktor sa interbyu sa kanya ng isang television news reporter. Matagal nang pinaghihinalaan na bading ang aktor pero super deny siya at kung may chance, hindi niya pinapatulan ang mga pang-iintriga sa kanyang sexual preference.
Anyway, super overwhelmed ang aktor sa mga papuri sa acting nito sa isang pelikula at dahil sa sobrang kaligayahan, nakalimutan niya na pa-macho ang kanyang image sa harap ng mga television camera.
Napahalakhak ang aktor habang kinakausap ng reporter pero pang-girl ang tawa at facial expression niya kaya confirmed na may katotohanan ang usap-usapan na baklita siya.
Mahirap nang burahin ang video dahil viral na ito. Ang reaksyon ng aktor sa video ang magpapatunay na nagpupumiglas ang pagkabaklita niya sa unguarded moments na ikinaloka talaga ng fans na pinagpapantasyahan ang kanyang macho image.
- Latest