Tony pabor sa tambalang Donny at Kisses
Spotted sa premiere ng To Love Some Buddy nina Zanjoe Marudo at Maja Salvador si Kisses Delavin sa Robinson’s Magnolia last Tuesday, habang no-show naman ang kanyang ka-loveteam na si Donny Pangilinan.
Magkasama ang dalawa sa serye nina Zanjoe at Angelica Panganiban na Playhouse kung saan kasama rin nila sina Kian Cipriano, Maxene Magalona at ang bagong ‘pasok’ na si Carlo Aquino.
Samantala, itinanggi ni Tony Labrusca na naunang na-link kay Kisses na walang namamagitan sa kanila, pero hindi raw niya ikinakaila na may paghanga siya sa maganda at matalinong Bikolana. Isa rin daw si Kisses sa maituturing niyang isa sa mga malapit na kaibigan.
Agree si Tony na bagay na magka-love team sina Kisses at Donny and they will succeed as a tandem.
Tulad nina Kisses at Donny, Inglesero rin to the max si Tony na lumaki sa abroad. Nagpunta lamang siya ng Pilipinas nang sumali sa search para sa Boyband PH, pero hindi siya pinalad.
Ganunpaman, nagpapasalamat daw siya na dahil sa desisyon niyang magpunta ng Pilipinas, na-meet niya for the first time and amang si Boom Labrusca who is in showbiz too.
Ang kanyang ina ay si former singer-dancer Angel Jones na nakatira na ngayon sa abroad kasama ang stepdad ni Tony at ibang mga kapatid.
Nang matanong naman siya kamakailan lang sa interview with TV host Boy Abunda sa programa nitong Tonight With Boy Abunda kung siya na nga ba talaga ang masuwerteng makakatambal ni Liza Soberano sa most-awaited film nito na Darna, ang malisking sagot ni Tony: “Sana.”
Dagdag pa ni Tony, meron siyang pelikulang iri-release sa November 7, titled Titled ML (for Martial Law) kung saan ang kasama niya rito ay si Eddie Garcia.
Hindi pa buhay si Tony nang magsimula ang Martial Law noong 1972.
Ate Vi apo na lang ang kulang
‘Saktung-sakto,’ iyan ang description ni Vilma Santos-Recto sa kanyang buhay ngayong nagdiriwang siya ng kanyang kaarawan.
Masaya si Vilma sa pagiging ina sa dalawa niyang anak na sina Ryan Christian Recto at Luis Manzano, isang ‘complete’ wife to Senator Ralph Recto, an accomplished politician at still a most beloved icon in showbiz.
“Actually, madalas niyang i-discuss sa mga close niyang kaibigan, na ang kulang na lang sa kanya ay apo.
“Ganunpaman daw, ayaw niyang madalian si Luis. Though, in his mid-30’s na nga naman si Luis,” saad ng isang kausap namin.
Kung mabibigyan ng pagkakataon, type raw ni Ate Vi na gumawa ng kahit isang movie para mapagbigyan ang mga tagasubaybay niyang showbiz.
“Actually, siya rin daw ay nami-miss na ang umakting sa harap ng kamera,” susog ng aming kausap.
Ate Vi was last seen in the Star Cinema movie, Everything About Her, released nearly four years ago which co-starred her with Angel Locsin and Xian Lim.
Rico at Rene parehas ang ikinamatay
Singing icons Rico J. Puno and Rene Garcia were of the same age when they died this year: 65.
Parehas din silang na-cardiac arrest.
May both their respective souls rest in peace.
- Latest