^

Pang Movies

Empoy pinatatawa ang lola kahit nasa puntod na

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Empoy pinatatawa ang lola kahit nasa puntod na
Empoy Marquez

Laking lola pala si Empoy Marquez. Panganay siya sa kanilang magkakapatid, na inam­pon ng kanyang Lola nang maghiwalay ang kanilang parents.

Obvious na sa lola raw niya, ani Empoy namana ang pagiging masayahin at pagiging likas na mapagpatawa.

Likas nga rin daw kasing masayahin ang kanyang Lola. ‘Yong tipong, kahit may problema, di mo mahahalata. At heto ha, mag-isa raw silang iginapang  sa hirap ng kanilang lola. Kung anu-ano raw na hanapbuhay ang pinasok nito, mabigyan lang sila ng magandang buhay na magkapatid. At napag-aral din.

Sayang nga lang daw at kung kelan siya umasenso sa buhay ay saka naman ito binawian ng buhay.

Today, November 2, All Souls’ Day, dadalawin daw niya ang puntod nito sa sementeryo ng Baliwag, Bulacan.

Actually, ‘di lang kung may okasyon dinadalaw niya ang puntod ng kanyang lola. At sa tuwing dinadalaw daw niya ito, ‘di lang niya ipinagdarasal, kinakausap din daw niya ito, binibiro at pinatatawa.

For those of you who doesn’t know it nga pala, Empoy is now a regular member of the cast ng Home Sweetie Home na umeere tuwing Saturday. Pinagbibidahan ito nina Toni Gonzaga, Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto, Jobert Austria, Sandy Andolong and Piolo Pascual. Plus Miles Ocampo and teenage actor Clarence Delgado. Edgar Mortiz directs Home Sweetie Home, produced by ABS-CBN Business Unit head, Raymond Dizon.

Andi madalas nang iwan ang anak kay Jake

Andi Eigenmann says she now stays most of the time in Siargao, sa isang Island resort kung saan siya at ang kanyang boyfriend na si Philmar Alipayo, own some cottages for rent.

Gumagawa rin naman daw siya ng paraan para makasama ang anak niyang si Ellie na nag-aaral naman sa Manila.

Kapag daw hindi niya puwedeng isama si Ellie sa kanyang lakad pa-Siargao, iniiwanan daw niya ito sa ama ng bata na si Jake Ejercito.

Si Jake ay anak ni former President and now Manila Mayor Joseph Estrada kay Laarni Enriquez, Habang si Andi naman ay anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil.

Mark’s parents are former actor-singer, Eddie Mesa and actress Rosemarie Gil na gabi-gabi weekdays ay napapanood sa tren­ding series na Ngayon at Kailanman nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Alessandra nagsulat at nag-invest sa movie nila ni Paolo

Natutuwa kami kay Alessandra de Rossi, hindi lang kasi siya actress, kung hindi writer and producer na rin.

May contribution siya sa kuwento ng soon-to-be released nilang movie under Viva Films, ang Through Night and Day, which she reportedly also co-produces.

Ang nasabing pelikula ay ang unang pagkakataong magtatambal sila ni Paolo Contis, mula ito sa direksyon ni Veronica Velasco.

Kinunan ang halos kalahati ng pelikula sa Iceland, Germany kung saan ayon kay Alessandra ay pangalawang tahanan niya na.

Sa shooting ng pelikula, muntik na raw siyang sumuko sa ginaw. Kinailangan kasing nakababad siya sa parang swimming pool na ang tubig ay akala mo yelo sa lamig.

But as Alessandra said: “Kung sabagay, ‘di si­guro tatawaging Iceland ang lugar, kung hindi as cold as ice ang weather ng lugar.”

Well, sinabi mo, Alessandra.

Tanong lang: Kailan kaya muling magtatambal sa isang movie sina Alessandra at Empoy, nang sa ganun ay mabuhay muli ang tambalan nilang dala­wa at muling maging highest grossing movie, tulad ng Kita Kita na reportedly unprecedented ang kinita noong 2017.

EMPOY MARQUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with