MANILA, Philippines — Decided na si Dan Fernandez the handsome actor-politician sa pagbabalik sa kongreso sa darating na 2019 National Election.
Naging Board of Director siya ng 4th District, Vice Governor at Mayor ng Sta. Rosa, so hindi na muna niya tatanggapin ang offer na isang indie movie.
Mas priority niya ang maging public servant.
Masipag, mabait, matulungin at talaga namang madali mong malapitan si Mayor Dan.
Good luck Mayor Dan Fernandez sa 2019 election!
Dan Alvaro nagpakitang gilas uli
Napanood namin last Saturday sa Magpakailanman ang former action star na si Dan Alvaro. Okay pa rin naman ang akting niya. Si Dan ay kasabayan ng mga action star na sina Lito Lapid at Dante Varona. Isa siya sa mga build up star ng Mericks Films.
Kisig moreno si Dan at uncle siya ng aktres na si Glaiza de Castro. Sa ngayon, kasalukuyang Head Security Force si Dan ni Bulacan Vice Governor Dan Fernando.
Pagdalaw sa mga namayapa ng All Saints’ Day, nakaugalian na
Feast day ng mga yumaong mahal natin sa buhay. Ngayong Huwebes, November 1, mas sanay tayong tawagin itong All Saints’ Day, at tayong mga Pinoy tuwing sumasapit yearly ang ganitong mahalagang araw, nagsisimba tayo at nagpapamisa bukod sa nightly prayers nagsisindi rin tayo ng kandila para sa mga kaluluwa ng mga namatay na kaanak, at isa na ako sa mga gumagawa nito.
Pero ako kasi, kahit hindi November 1 ay talagang ugali ko na ang mag-pray every morning at magsindi ng kandila para sa mga kaanak kong namayapa na. Big satisfaction para sa akin at feeling ko ang gaan-gaan ng dibdib ko, parang nakaka-relieved sa kung ano mang problema na dumarating.
All Saints’ Day at All Soul’s Day ang November 1 at November 2. Dapat daw ang celebration ng All Saints Day ay November 2 pero kasi nakaugalian na ng lahat na November 1 ang pagdalaw sa puntod ng mga namatay, nagkabaliktad baga.
Ganun pa man po, basta bukal sa puso natin ang ipagdsal natin ang mga mahal natin sa buhay kasi ‘yun po ang pinaka importante.
Paalala na lang po sa mga bibisita sa mga sementeryo na mag-iingat po tayong lahat. Sa mga magulang na may kasamang bata, ingatan ninyo po ang mga anak ninyo at baka mawala.
Magsindi ng kandila...
Pagsapit ng 6 o’clock ng gabi sa harap ng pinto ng ating bahay, nagsisindi tayo ng maraming kandila at saka papatayin pagsapit ng midnight na or hinahayaan na lang na kusang mamatay ang sindi. Kasabihan or belief ng mga Kristiyano at isa ako dun sa naniniwala na namamasyal ang mga kaluluwa at nagha-happy happy sila at para raw huwag maligaw sa uuwian nilang puntod dapat maliwanag sindido ang mga kandila. Mga midnight kailangan nakabalik na sila sa kanilang uuwian. Yun Lang! Eternal rest grant unto the souls in porgatory, oh Lord, and let perpetual light shine unto all of them.
May you all rest in peace! Amen.