Marian ayaw makakita ng dumi sa bahay
Naku Mama Salve ha, imagine ‘yung mga na- meet nating lawyers sa Hong Kong airport mga abogado pala ng BFF natin na si Rei Tan ng Beautederm?
Talagang ang liit ng mundo noh.
Nandun sila sa presscon ni Marian Rivera para sa mga product ng Beautederm Home na mga freshener at candles na all natural ang ingredients.
Totoong bagay na maging team sila Marian at Rei. Bagay sila kasi parehong maganda, witty at sweet. Isang team na magbibigay sa home products ng credibility dahil kitang-kita mo sa kanilang personalidad na gusto nila ang malinis na bahay at maingat sa gamit.
At bongga dahil affordable ang price nila kaya pag gusto ninyo ng mabangong bahay dapat buy ka na agad now na ng produkto ng Beautederm Home by Reverie.
Kaya ang bangu-bango ng bahay namin ngayon, ang sarap amuy-amuyin habang nanonood ako ng mga paborito kong Koreanovela. Hahaha.
Pia at Elmo tikom pa rin ang bibig sa mga pasabog ni Janella
Hindi pa sumasagot si Pia Magalona at ang kanyang anak na si Elmo tungkol sa tell-all interview kay Janella Salvador na lumabas kahapon sa Philippine Star column ni Papa Ricky Lo.
Inamin nga ni Janella na totoo ang matagal nang kumakalat na tsismis na dalawang beses siya na sinaktan ni Elmo dahil nakainom ito ng alak.
Mabigat ang akusasyon kay Elmo ha kaya hindi nakakagulat na negang-nega ang image niya sa publiko kaya it’s a must talaga na sumagot siya sa explosive statement ng kanyang girlfriend.
Ay, excuse me po, exclusively dating pala ang label ni Janella sa dalawang taon na relasyon nila ni Elmo.
Kung tinupad siguro ni Elmo ang promise na maglalabas siya ng public statement tungkol sa isyu na kinasasangkutan nila ni Janella, baka hindi ito nagsalita.
Ang balita na nakarating sa akin, disappointed si Janella dahil hindi tumupad si Elmo sa kasunduan nila kaya siya na ang nagsalita.
Diumano, matagal na naghintay si Janella pero nang makita nito na hindi gagawin ni Elmo ang agreement nila, siya na ang nagpainterbyu kay Papa Ricky.
Believable naman ang sinabi ni Janella na hindi alam ni Elmo ang ginagawa nito kapag nakakainom ng alak dahil may mga kilala tayo na nawawala sa sarili at hindi natatandaan ang kanilang mga ginawa kapag nangibabaw ang espiritu ng alcoholic drinks.
Ipinakita nga pala ni Janella ang litrato ng mga pasa sa katawan niya bilang patunay ng pananakit sa kanya ni Elmo for the second time noong September 8, 2018.
Sinabi rin ng young actress na nagpasya ito na basagin ang pananahimik para mahinto na ang mga kasinungalingan na ipinupukol laban sa kanya at sa nanay niya na si Jenine Desiderio na hinihintay ang reaksyon ni Jenine tungkol sa mga rebelasyon ng kanyang anak.
Naranasan ni Jenine na maging biktima ng bashing dahil sa paningin ng fans ni Janella, siya ang kontrabida sa buhay ng anak niya, siya ang over protective at siya ang stagemother.
Nagbago na ang ihip ng hangin dahil para sa mga sumusubaybay sa kuwento, vindicated si Jenine at tama ang ginagawa niya na mahigpit na pagbabantay sa kanyang unica hija.
Ang sabi nga ng isang observer, naiintindihan na ngayon ng publiko ang pinanggagalingan ng mga emote noon ni Jenine sa social media.
Hindi tamang duda ang kanyang mga emote dahil nararamdaman niya na may nangyayari kay Janella at na-realize naman nito ang magandang motibo ni Jenine.
- Latest