Wala pa naman sa line-up ng mga proyektong gagawin ni Regine Velasquez sa ABS-CBN ang teleserye pero if ever na gagawa siya, wala naman daw siyang requirement kung sino ang magiging leading man niya dahil kahit sino naman daw ay okay sa kanya. Pero may kaisa-isa raw siyang request talaga.
“Siguro, ang ire-request ko lang, huwag masyadong madrama. Kasi nai-stress ako pag madrama. Hindi ko kaya.
“I mean, I can do it but nasanay na ako du’n sa medyo light. Kasi minsan, naiuuwi ko ‘yung character, eh. So, gusto ko at the end of the day, comedy pa rin, happy pa rin. Saka du’n ako comfortable talaga.
“‘Yun lang naman ang ire-request ko sana. Kasi ‘yung mga comedy naman, mayroon din namang drama,” ani Regine.
Nauna nang ianunsyo ni Songbird ang tatlong shows na naka-line up sa kanya sa ABS-CBN na ASAP every Sunday, a sitcom with husband Ogie Alcasid at Idol Philippines kung saan nga ay magiging isa siya sa mga judges.
Pero siyempre, posible rin na magkaroon siya ng teleserye at biro nga niya, lahat daw ay papatulan niya. Hindi rin daw imposible na gumawa siya ng movie under Star Cinema. Sey pa niya, iikutin niya raw lahat ng TV shows sa ABS-CBN.
“Pati news,” biro pa niya.
Nabanggit din ni Songbird na gusto niyang makatrabaho si Jericho Rosales kahit nga raw lalabas na parang magtiyahin sila.
At siyempre, excited na rin si Regine sa ABS-CBN Christmas station ID.
“Siyempre, kasali ako du’n lahat. Excited ako. Meron silang gagawin, eh. I don’t wanna say it kasi baka mapreempt, but I’m definitely gonna be part of it,” sey ni Songbird.
Miguel mas ginanahan sa iba’t ibang role
Dumagdag si Miguel Tanfelix sa mga Kapuso stars na pinarangalan ang acting performance ng isang award-giving body. Tinanghal bilang Best Actor si Miguel ng Asian Academy Creative Awards (AAA) dahil napansin nila ang angking galing ng aktor sa top-rating Primetime show niyang Kambal, Karibal.
Proud ang Kapuso star sa natanggap niyang achievement, at mas lalo siyang ginaganahan na sumabak pa sa iba’t ibang klaseng role.
Bukod pa rito, dahil sa lakas ng impact niya bilang isa sa mga tinitingalang young stars ng Kapuso Network, minabuti ni Miguel na ilaan ang kanyang influence sa mabuting bagay. Isa na rin siyang World Vision Ambassador, at ang adbokasiya niya ay ang pagtuturo ng Disaster Risk Reduction sa mga kapwa niya kabataan.
Sa ngayon ay nagti-training ang Kapuso star para mas madagdagan ang kaalaman niya sa adbokasiyang ito.