Mark Logan in charge sa entertainment ng TV Patrol

Mark

Don’t look now, Salve A., pero, wala raw kinalaman ang pulitika, kung bakit ‘di na natin mapapanood daily, yes, weekdays, si Mark Logan, bilang co-anchor ni Ateng May Perez sa teleradyo program ng DZMM, ang Sakto.

 

Well, hope na maging kasing eksakto ni Mark si Kim Atienza, na siyang replacement niya sa programa.

Well, heard from a very reliable source na may bago nang assignment si Mark.

Sa kanya nga raw in-assign ang pamamahala ng entertainment segment ng TV Patrol.

Well, again from our reliable source, Salve A., few obviously know that before Mark joined DZMM, he used to work as a reporter ng isang kilalang tabloid. And his beat was Malacañang.

Election magniningning sa rami ng kandidatong artista

Mabituin kaya tiyak magniningning ang maraming entablado sa iba’t ibang lugar ng bansa kapag nagsimula na ang political campaign para sa May 2019.

Considering na ang daming mga artistang tumatakbo for a number of political offices, we can only wish all of them good luck. And, of course, God bless.

Parehong tatakbo ang magkaibigang na sina former Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa pagka-senador.

Ganun din ang kanilang respective relatives, in the case of Sen. Jinggoy, ang anak na si Janella ay tatakbong San Juan Mayor, at ang ama naman niyang si former President Joseph “Erap” Estrada, ay tatakbo para sa kanyang huling termino bilang Manila Mayor.

Ang half-sister naman ni Jinggoy na si Jerika ay pagka-konsehal naman ng Maynila ang inaasinta.

In the case of Sen. Bong, ang kanyang misis na si Lani Mercado, ay tatakbong muli bilang Bacoor City Mayor. Ganun din si Jolo, na running for his third term naman bilang Cavite Province Vice Governor kung saan wala siyang makakalaban.

Ang younger brother naman ni Bong na si Strike Revilla, whose wife, Chaye Cabal-Revilla, is head of the well-loved and popular Gabay Guro Foundation, ay tatakbo for his second term bilang Congressman ng Bacoor.

Tatlong beses naging Mayor ng Bacoor si Cong. Strike, kaya, love siya ng mga botante doon, ayon kay Gigi dela Riva, na napapanood araw-araw sa GMA 7 series. 

Si Gigi ang wife ng eldest brother ni Cong. Strike na si Marlon Bautista, who, for the first time, ay sasabak na rin sa pulitika, under the 1-Pacman Partylist.

Done deal na rin ang pagtakbo ni Andeng Ynares for Antipolo City Mayor. Heard, it was her incumbent Antipolo City Mayor Jun Ynares, who convinced Andeng to run for the position.

Samantala, bilangin na lang natin ang ilan pang araw na mananatili ang mag-amang sina Lito at Mark Lapid, bilang pinuno at member ng Vendetta group ng top series na FPJ: Ang Probin­syano, dahil sila ay certified candidates na ngayong darating na election.

Si former Senator Lito ay muling tatakbo sa pagka-senador. Si Mark naman na naging Pampanga Governor ay tatakbong Porac (in Pampanga) Mayor.

Dalawang mainstays naman ng FPJ’s Ang Probinsiyano, na tinatampukan ni Coco Martin, na malapit-lapit na ring mamaa­lam ay sina Edu Manzano, who is San Juan City candidate for Representative of the lone district of the city; at ang komedyanteng si Long Mejia, na ang puntirya naman ay maging Congressman ng Camarines Sur.

Isasantabi muna ni Sheryl Cruz ang makatambal muli sa isang showbiz project, na inu-offer sa kanya opposite former ka-love team na si Romnick Sarmenta, since isinasa-puso niya ang desisyon na tumakbo bilang councilor ng Maynila.

Manila rin, ayon kay former Vice Mayor ng siyudad na si Isko Moreno, ang gusto niyang pagsilbihan muli kaya tatakbo siyang Manila mayor.

Show comments