^

Pang Movies

Janno, aminadong hindi bastardo tulad ng tatay na si Ronaldo

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Janno, aminadong hindi bastardo tulad ng tatay na si Ronaldo
Janno at Ronalad

Binanggit kamakailan lang ni Janno Gibbs sa kanyang pana­yam kay Boy Abunda sa programa nitong Tonight With Boy Abunda, na ma­ra­mi sa mga showbiz follower ang ‘di naka­kaalam na siya lang ang nag-iisang anak ng aktor na si Ronaldo Valdez. Pero hindi raw siya bastardo, unlike his dad (real name: Ronald James Gibbs) na uma­ming ito ay isang bastardo, nang ma-interview sa presscon ng kanyang bagong serye, ang Los Bastardos.

 

Ayon kay Ronaldo, ang kanyang tatay ay isang American. Nagkaroon lang daw siya ng pagkaka­taong makilala ito nang makapag-artista at makapunta sa America.

Maituturing na nanggaling sa pamilya ng showbiz royalty itong si Janno. Anak siya ni Marife, the daughter of Gerardo de Lein na kinukunsiderang isa sa mga magagaling na direktor noong kanyang kapanahunan. Tita naman ni Janno ang dating sikat na Sampaguita Pictures talent na si Liberty Ilagan.

First cousin naman niya si Robert Arevalo na anak ng isang kilalang musical director na si Tito Arevalo.

Ayon kay Janno, masasabi niyang on his own ay he achieved more than enough. Isa siyang mahusay na TV host, actor, dancer and of course singer.

Napangasawa niya ang kanyang fellow showbiz personality na si Bing Loyzaga, meron silang dalawang anak na pawang mga professional na. In fact, ang isa sa kanyang mga anak ay magpapakasal na soon.

Gumaganap si Ronaldo bilang ultra rich haciendero na si Don Roman Cardinal sa bago niyang seryeng Los Bastardos. Limang puro mga lalaki ang kanyang mga anak sa iba’t ibang babae rito, at lahat ito ay bastardo. Wala kasi siyang pinakasalan kahit isa sa mga nanay nito.

Sina Jake Cuenca, Albie Casiño, Diego Loy­zaga, Marco Gumabao at Joshua Colet ang gaganap bilang limang lalaking bastardo ni Don Roman. Magagan­da naman daw ang performances ng limang ito so far pagdating sa pag-arte ayon kay Ronaldo.

Dalawang beauty queens ang kasali sa nasabing serye, at ito ay sina Miss International 2016 Kylie Versoza at Bb. Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina. Among the female members of cast too ay sina Mary joy Apostol, Jane Oineza, Mica Javier at Ritz Azul.

Featured din ang showbiz icons na sina Perla Bautista, Ana Abad Santos, Joyce Ann Burton, Pinky Amador, Jeffrey Santos, Isabel Rivas at Lito Pimentel. Plus of course, Rosanna Roces.

Rosanna tatlong taong namahinga

Tatlong taong namahinga si Rosanna sa showbiz at masaya naman daw siya sa buhay niya ngayon.

Hindi rin niya itinatanggi na siya ay kasal sa isang lesbian.

Wala sana siyang balak na magbalik-showbiz until daw she was offered Los Bastardos, but as she said: “Mahirap mahindian si Direk Ruel (Bayani), kung sabagay, I’m attracted to the role. I play mo­ther to Jake, na napakahusay na artista.”

Hindi siya sigurado kung pagkatapos ng ser­yeng ito ay maging aktibo pa ulit siya sa pag-aartista. She’d rather take things its course.

Jake hindi naisabay si Erich sa trabaho

Bagama’t nagka-crush daw si Jake kay Erich Gonzales noong nagkasama sila sa last series nila na The Blood Sisters, ‘di raw niya ito niligawan. Hindi raw siya ang tipo na pinagsasabay ang business sa pleasure.

Sa ngayon, bukod sa pag-arte sa TV, he is also into theater acting.

In real life, do you know Salve A., na related si Jake kay Manoling Morato, ang former chairman ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

JANNO GIBBS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with