John Lloyd hindi na mukhang sikat ang hitsura
Medyo hawas ang mukha, may bigote at balbas, siguro kung kami ang makakasabay niya sa jeep, makita man namin siya hindi namin maiisip na siya nga si John Lloyd Cruz. In fact, maski noong makita nga namin ang litratong naka-post sa social media na inilabas ng isang fan na nakasabay niya sa jeep, duda pa rin kami sa hitsura.
Ang nag-post na walang dudang isang fan ni John Lloyd, tila kilig na kilig pang sinasabing ang actor ay pogi pa rin. Nagtataka lang kami kung bakit hindi niya sinamantala ang pagkakataon na kausapin ito o kumustahin kung fan talaga siya ni John Lloyd, at napatunayang ang actor nga iyon at hindi isang look alike lamang.
Kung sabagay, hindi natin alam ang kanyang whereabouts eh. Ang mga posts niya sa social media, sinasabing nasa Cebu siya kasama si Ellen Adarna at ang kanilang anak. Ito namang post na ito ng fan, nakasabay daw niya si John Lloyd sa isang jeep na biyaheng “UP ikot” although nasulat na rin na nakita sila sa bahay nila John Lloyd dito sa Manila.
Hindi naman ito ang first time na may ganyan eh. Ilang beses na siyang nakita sa mga mall sa Cebu na namimili ng gamit para sa kanyang anak. May isa pang pagkakataon na nakita siyang kumakain ng balot sa bangketa, tabi ng kalye, pero sa Cebu rin daw iyon.
Palagay namin, wala na ngang pakialam si John Lloyd kung ano pa ang sabihin ng mga tao sa kanya, after all isang taon na siyang wala sa showbiz, at mukhang wala na nga siyang balak na magbalik pa. Noon may tsismis na nagpaparamdam daw siyang gusto na niyang bumalik, pero hindi siya pinansin. May nagsasabi namang walang pangyayaring ganun.
Ewan kung gaano kalaki na nga ang naipon ni John Lloyd mula sa kanyang kinita. Hindi rin naman natin alam kung ano ang mga investments na nagawa niya at naglakas loob siyang talikuran na ang kanyang propesyon. Pero isang bagay ang sigurado, tuluyan man siyang umalis sa showbusiness at kung mga limang taon pa, pag-uusapan siya saan man siya makita.
Ngayon definitely hindi na masasabing box-office king siya. Naagaw na sa kanya iyon. Sana huwag namang mangyaring maubos ang ipon niya at maisipan niyang magbalik showbiz kung kailan huli na. Malungkot iyon.
Role ni Thea mas okay kung si Jason na ang nagtuloy
Nakita namin ang trailer ng seryeng Asawa Ko, Karibal Ko. Nakita namin ang mga eksenang sinasabing nagkaroon ng transformation si Jason Abalos, na nagdamit babae na siya. Pero sa kalaunan, hindi na si Jason ang gaganap ng character kundi isa nang tunay na babae, si Thea Tolentino.
Iniisip lang namin, bakit kaya hindi pa ipinatuloy na lang kay Jason ang role. Sa kuwento kasi siya ay magiging transwoman, eh maipapakita ba naman nila ang katibayan na transwoman siya? Hindi naman maaari iyon, at kung ipinatuloy na lang nila kay Jason ang role, mas nagkaroon pa sana ng novelty ang palabas na iyon.
Aktor kalat ang kuwentong mahilig makipagrelasyon sa underwear models
Ewan kung bakit nga ba may pilit na nagkakalat na nakipag-relasyon daw ang isang aktor sa mga underwear model ng isang brand. Kung sabagay, sinasabi namang ang male star ang lalaki sa mga relasyong iyon, pero nakakasira pa rin ang sinasabing pumatol siya sa mga ganoon.
May nagsasabing paninira lamang daw, o kaya ay inggit ang dahilan ng mga nagkakalat ng mga tsismis na ganyan. Bakit naman sila ganoon?
- Latest