Napagwagian ni Alyssa Muhlach Alvarez ang sinalihan niyang Miss World Philippines, naging tagapagmana siya ng korona ni Winwyn Marquez bilang Miss World – Reina Hispanoamericana 2018.
Aaabangan na lamang ng lahat kung mapagwawagian din niya ang international title. Hindi pala sa showbiz nakatakda ang anak ni Almira, pamangkin nina Aga at Niño at apo ni Amalia kundi sa beauty contest.
Moviegoers kanya-kanya nang pili ng panonoorin sa pasko
Matapos ang mahaba-haba ring hintayan, inihayag na ng Metro Manila Film Festival 2018 Committee ang apat pang pelikula na makakasali sa MMFF 2018. Ito ang One Great Love ni Eric Quizon bilang direktor at nagtatampok kina Dennis Trillo, Kim Chiu at JC de Vera; Mary Marry Me (RC delos Reyes) starring Toni at Alex Gonzaga, Sam Milby; Rainbow’s Sunset (Joel Lamangan), Eddie Garcia, Gloria Romero, Tony Mabesa, Tirso Cruz lll, Aiko Melendez, Sunshine Dizon, Max Collins; Otlum (Joven Tan), Ricci Rivero, at Jerome Ponce. Nauna nang napili ang Aurora (na ididirek ni Yam Laranas), Anne Curtis; Jak Em Poy the Puliscredibles (Michael Tuviera), Vic Sotto, Coco Martin, Maine Mendoza; Fantastika: (Barry Gonzales), Vice Ganda, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Bela Padilla, Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, Loisa Andalio, Ronnie Alonte at The Girl in the Orange Dress (Jay Abello), Jericho Rosales, Jessy Mendiola.
Paglalaanan naman ngayon ng panahon ng mga manonood kung anu-anong mga pelikula ang kakayanin ng budget nila.
Yassi at Coco, power tandem sa Star Awards
Sina Yassi Pressman at Coco Martin ang napiling Power Tandem ng Star Awards for TV na magaganap sa Linggo, October 14 sa Irwin Theater ng Ateneo de Manila University.
Matatanggap ni Mayor Herbert Bautista ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award samantalang gagawaran naman ng award for Excellence in Broadcasting si Arnold Clavio.