Talent manager nabuko ang pagiging malasado sa pera

Wala talagang kadala-dala ang isang talent manager na mukhang walang takot sa Diyos at sa karma.

Noon pa man ay kilala na ang TM na ito sa pagiging malasado pagdating sa kinikita ng kanyang talents na hina-handle. Mahilig siyang mag-overprice sa talent fee ng kanyang mga alaga na kinukunan pa niya ng 30% mula sa kanyang dini-deklarang talent fee sa kanyang alaga.

One time, napahiya ang isang talent niya nang ito’y magtungo sa isang film company to collect her talent fee only for her to find out na nakuha na pala ng TM ang kanyang check. Ipinakita sa kanya ng cashier ng film outfit ang voucher na nagpapatunay na nakuha na ng kanyang manager ang tseke at doon din niya nakita ang exact talent fee na lumabas na kalahati lamang ng amount ang sinabi sa kanya.

“Kung tutuusin, mas malaki pa ang kita niya kesa sa amin,” angal ng isang dating talent na hawak ng TM.

Mukhang parang normal na sa TM na ito ang ginagawa niyang panloloko hindi lamang sa mga talent niya kundi maging sa ibang tao na nakukuha niya ang loob. Ang balita namin, isang controversial businesswoman ang nakisuyo sa kanya na isanla ang kanyang mga branded bag dahil kailangang-kailangan niya ang pera. Tumalima naman ang TM sa kanyang kaibigang businesswoman at sinabi nito na P800K ang sanla at 20% naman umano ang interest. Pero na-discover ng businesswoman na mahigit P1-M ang pagkakasanla ng kanyang mga bags at 10% lamang umano ang interest. Galit na galit umano ang businesswoman sa TM na inakala niyang mapagkakatiwalaan.

Kung tutuusin, marami nang matitinding pagsubok ang dumating sa buhay ng TM pero hindi pa rin ito nagbabago sa kanyang masamang gawain na madali umanong masilaw sa pera.

Rayver sasalang sa hapon

Magtatapos na sa darating na Oktubre 19 ang sinusubaybayang seryeng panghapon ng GMA, ang The Stepdaughters na tinatampukan nina Megan Young, Katrina Halili at Mikael Daez kasama sina Glydel Mercado, Gary Estrada, Sef Cadayona at Samantha Lopez. Magkatulong na pinamahalaan ito nina Paul Sta. Ana at Jules Katanyag.

Kapag umabot ng six months and more ang isang serye, ibig lamang sabihin na maganda ang ratings nito, dahil ang standard na takbo ng isang serye ay three months lamang o one season. Pero sa case ng The Stepdaughters ay umabot ito ng mahigit walong buwan na nagsimula sa ere nung February 12, 2018.

Nakahanda na ang serye na ipapalit sa The Stepdaughters, ito ang Asawa Ko, Karibal Ko na tatampukan naman nina Kris Bernal, Rayver Cruz at Thea Tolentino kung saan may special guest appearance ang dating Kapamilya actor na si JasonAbalos.

Ang Asawa Ko, Karibal ko ay first TV series ni Rayver bilang bagong Kapuso talent.

Show comments