Vice Ganda sinagot ang kalahating milyong artificial legs sa asawa ng contestant sa TNT
Bumaha ng luha noong nakaraang episode sa Tawag Ng tanghalan sa Showtime sa ABS-CBN dahil sa isang senior citizen contender na Las Piñas ang surname. Ang ganda ng boses ng nasabing contestant, na ang kinanta ay Matud Nila.
Kaya raw siya sumali sa TNT dahil nagbabakasali siyang manalo para mapalagyan na niya ng artificial na paa ang kanyang asawa na both legs pala ay parehong putol na, kaya naman naka-wheelchair na lang ito.
Hindi kasi kaya ng Las Piñas family na palagyan ito ng artificial legs para makalakad ito ng normal dahil very expensive raw at wala silang perang pambayad sa doktor na almost half a million ang magagasta.
Fortunately, nanalo naman ang contestant na ito at talagang ngalngal to death siya kasama ang dalawang anak sa show.
Kahit di gaanong kalakihan ang winning money, magsisilbi naman itong panimula ng pagpapagawa ng artificial na paa para sa asawa.
Nakatulong pa ang team song nilang mag-asawa nang tanungin ni Vice Ganda at pakantahin sa kanya, ang You And I.
Natamaan ng camera ang audience na nagkukusutan ng mga mata pati na mga hurado na sina Maestro Rey Valera, Dulce, Karylle, K Brosas at Nyoy Volante. Pati na ang mga host na sina Anne Curtis, Amy Perez at Mariel Padilla ay nangilid din ang luha. Maging kami rin na nanood sa bahay ay tulo sipon. Sobrang touch ako nang nakamit ni Madam dahil maagang pamasko sa pamilya Las Piñas ang regalo ni Vice. Siya ang magbibigay, magpapaopera at maglalagay ng paa kay Mang Jun, at kahit isang kusing ay walang gagastusin ang kanilang pamilya.
Maraming ‘di nakakaalam na si Vice ay may pusong mamon, maraming natutulungan, pero no publicities or write ups. Kaya naman parang ulan ang patak ng biyaya sa kanya. Mabuhay ka Vice Ganda!
Pag-arte ni Ken sa My Special Tatay ‘di raw bagay
Sabi ng ilang tsuppatid, itong si Ken Chan daw ng My Special Tatay ng GMA-7 ay magaling namang artista, at talagang natural ang pag-arte niya bilang isang may autisim. Pero may mga comment naman ang iba na parang hindi raw bagay sa kanya.
Nope! cinematic lang po yan! Naiinis daw sila sa role ni Ken! Nakaka-stressed panoorin. Ganoon!
Edi, wag ka manood para ‘di ka ma-stress. Maraming pwede manood ‘di lang ikaw. Kung ayaw mo huwag mo! ‘Yun lang po!
- Latest