^

Pang Movies

Premiere ng Tres sinugod ng mga may pangalan

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Premiere ng Tres sinugod ng mga may pangalan

Big deal para sa Revilla family, lalo na sa kanyang mga anak na sina Andeng (Ynares) at Marlon (Bautista) ang pagdalo ni former Senator Ramon Revilla Sr. sa premiere ng Tres, ang comeback film ng Imus Productions na pagmamay-ari nila. Ginanap ang nasabing premiere sa cinema one ng Megamall noong Monday.

Kahit nasa wheelchair, makikita mo pa rin ang charm na nagsilbing asset niya noong kabataan pa niya.

“He doesn’t look at all na nearing 90 na siya,” ayon sa isang source.

Ayon kay Don Ramon, na-overwhelmed daw siya sa movie ng kanyang tatlong apo na sina Bryan, Luigi at Jolo Revilla sa anak na si former Senator Bong Revilla Jr. na isa rin sa magagaling na action star ng kanyang henerasyon.

Pinagbibidahan nina Bryan, Luigi at Jolo ang mga episode na Virgo, Amats at 72 Hours sa pelikula nilang Tres. Idinirek ito nina Richard Somes at Dondon Santos.

“Actually, wala kang itulak-kabigin sa tatlong episode kung alin ang puwedeng ituring na best.

“Gugustuhin mong panoorin ang entire movie from beginning to end,” patuloy pa ng source.

“Walang dull moment, lalo’t kung action ang pag-uusapan.

“I think with Three, matutupad ang hangarin ni Sen. Bong na maibalik ang action films sa showbiz.

“Let’s all keep my fingers crossed, para maraming magkatrabaho sa mga taga-showbiz,” ang sabi pa nito.

Bukod kina Bryan, Luigi at Jolo na siyang mag bida ng naturang movie, dumating halos in full force ang iba pang members ng individual episode ng movie.

Namataan namin sina Rhian Ramos, Assunta de Rossi, Paulo Paraiso, Sandino Martin at Lovi Poe sa nasabing event.

Very short lang ang appearance ni Lovi pero she truly made her presence felt, kumbaga.

Of course, naroroon din si Bacoor City Mayor Lani Mercado na gumanap sa isang special role sa episode ni Jolo. Dumating din si Bacoor Representative Strike Revilla and his wife, Khaye Cabal-Revilla, ang ‘gabay’ ng Gabay Guro Foundation.

Takaw-pansin naman ang pagdalo ni Edu Manzano, who came with his pretty partner, Irene.

Close si Edu sa kapatid nina Andeng at Marlon na si Rowena Mendiola, since at one time, na-link ang anak ni Edu sa isa sa mga anak ni Rowena.

Opening today, October 3, in theaters nationwide ang Tres, which ABS-CBN Cinema Screen and Star Cinema will release.

Edu tuwang-tuwa sa mga naiirita sa kanya

Of Edu, aware raw siya na maraming avid viewers ang seryeng gabi-gabing inaabangan, ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Marami ang may ayaw sa kanya sa pagiging bagong presidente niya, na siya namang ikinatutuwa niya. Patunay nga naman ito kung gaano siya ka-effective bilang kontrabida. Ganunpaman, we miss Edu na mapanood sa big screen. At sana sa isang bida role naman.

Albert mapapanood sa dalawang serye

In two series, pagnagkataon, mapapanood natin daily si Albert Martinez, on ABS-CBN.

Tampok siya sa parehong Kapamilya teleserye, ang Kadenang Ginto at The General’s Daughter.

TRES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with