Sam inspirasyon si Kiana sa bagong kanta

Wala pa ring kupas ang boses ni Samuel Lawrence Concepcion o mas kilala ng lahat bilang Sam Concepcion.
Ang bago niyang kanta ngayon na Bukas Makalawa ay isa sa mga official soundtrack ng pelikulang Para Sa Broken Hearted na pinagbibidahan nila nina Shy Carlos, Marco Gumabao, Yassi Pressman at Louise delos Reyes, na ini-release ng Viva Records.
Nakadagdag sa madamdaming kanta ang malungkot na boses ni Sam na halata mong may pinagdadaanan. Marahil ay naging inspirasyon niya sa kantang ito ang kanyang dating nobya na si Kiana Valenciano, ang bunsong anak ni Gary Valenciano.
Kamakailan lang kasi ay napabalitang hiwalay na ang dalawa matapos ang tatlong taon nilang relasyon.
Umaasa ang fans ng dalawa na sana ay magkaroon pa sila ng second chance.
Samantala, ang Para Sa Broken Hearted ay hango sa librong isinulat ni Marcelo Santos III at idinirek naman ni Digo Ricio. Mapapanood na sa October 3 ang nasabing pelikula in cinemas nationwide.
- Latest