Walang paki sa bashing ng kampo ng LP Vilma pinanindigan ang paglipat sa NP
Inaasahan na ni Lipa Batangas Representative Vilma Santos-Recto ang mga pangba-bash mula sa netizens at citizens dahil sa paglipat nila ng asawang si Sen. Ralph Recto ng partido mula sa Liberal Party to Nacionalista Party.
Kamakailan kasi ay bumuo ng bagong local party si ate Vi na One Batangas at nakipag-partner sila sa Nacionalista Party ng mga Villar. Offically, hindi na sila Liberal Party.
Ayon kay ate Vi, naiintindihan naman daw niya kung may mga pangba-bash siyang matanggap lalo pa nga’t hindi naiintindihan ng marami ang sistema pero ang masasabi lang niya, ang kapakanan lang daw ng kanyang constituents ang kanyang iniisip.
“Sometimes, you really have to compromise para maibigay mo ang nararapat for your constituents.
“Kasi, pag wala ka ring compromise – ‘eto ‘yung nagiging truthful ka lang – kung minsan, naiiwan ka sa wala and may hinihintay din na serbisyo sa ‘yo ang mga constituents mo,” pahayag ni ate Vi nang makapanayam namin siya last Wednesday night pagkatapos ng taping niya ng The Bottomline ni Boy Abunda.
Ang pinaka-importante naman daw dito ay ‘yung intact pa rin ang prinsipyo mo at hindi porke gusto ng partido mo ay gagawin mo kahit labag sa loob mo.
“Hindi naman ‘pag inutos sa ‘yo na alam mong mali, susundin mo, hindi naman ako ganu’n. Prinsipyo pa rin ang nasa akin.”
Tanggap naman daw niya kung may mga bashers na hindi makakaintindi sa ginawa nilang paglipat, that’s why, ipinapaliwanag daw niya sa mga tao ang kanyang stand.
Ayon sa paliwanag pa ni ate Vi na ang sistema dito sa ating bansa, kung hindi ka ally ng administrasyon at nasa kalabang partido ka, mahihirapan kang magpa-approve ng budget para sa mga proyekto for your constituents.
“Halimbawa, ngayon, budget hearing. Kailangang maipasok mo sa line item ‘yung mga priority ng distrito mo. At pag hindi ka medyo kakampi, eh hindi ka mauuna, hindi ka magiging priority. I mean, that’s the truth, the true picture. Pero pag may konti kang affiliation, eh medyo nako-consider ang mga line item mo, ‘yung mga request na gusto mong proyekto para ibigay sa constituents mo,” paliwanag ni ate Vi.
Anyway, sa dami ng issues sa politika ngayon, at least ay magkakaroon ng short break ang Star For All Seasons ngayong October dahil magkakaroon ng recess sa Congress. Sasamantalahin niya ang pagkakataong ito para makapagbakasyon sa ibang bansa kasama ang asawa bilang selebrasyon sa kanyang nalalapit na kaarawan sa Nov. 3.
Assunta matanda na ang pakiramdam
Thankful si Assunta de Rossi na at her age ay nako-consider pa siyang leading lady. Siya ang isa sa kapareha ni Luigi Revilla sa episode na Amats ng Tres.
Imagine, during her younger years, ang partner niya ay ang ama ni Luigi na si former Sen. Bong Revilla at ngayon ay ang anak naman.
Ayon sa aktres, 35 years old na siya at hindi na tulad ng dati ang katawan niya, pero sa dami ng artistang pwedeng gumanap na role na cougar sa Amats, siya pa rin ang napili.
“Thankful ako na naisip pa nila ako, it means I still have it, chos!” sabi ni Assunta.
Pero anang aktres, huwag daw mag-expect ang manonood ng grabeng love scene sa kanila ni Luigi lalo pa nga’t R-16 ang rating ng Tres.
“Pakibabaan po ang expectations kasi I’m super-super old na,” sabi pa ni Assunta na tinutulan ng marami sa presscon dahil sa totoo lang, ang ganda-ganda pa rin niya at hindi naman totoong super-old na siya.
- Latest