Alden tumungga ng patis, hot sauce at kung anu-ano pa
Kulitan to the max sina Alden Richards at vlogger Wil Dasovich sa part 1 ng video collaboration nila na inilabas sa GMA 7 YouTube channel kamakailan.
Ang title ng unang episode ng collab nila ay ang Spit or Swallow Challenge. Nabisto sa video na takot at hate ni Wil ang patis. Eh sa challenge, may dalawang maliit na baso sa harap ng dalawa na ang laman ng isang baso eh iced tea habang patis ang nasa isang baso.
Nang sabay nilang inumin ang laman ng baso, kay Alden napunta ang basong patis ang laman, huh! Napangiwi Ang Pambansang Bae sa alat habang sisiw lang ang pag-inom ng vlogger ng iced tea!
Pero hindi pinaligtas ni Alden na hindi makainom ng patis si Will kaya hinamon niyang uminom din ito. Sumakay naman si Wil sa request ni Alden kaya ang ending, iniluwa niya ang patis habang inabutan siya ng Kapuso actor ng plastic na basurahan para lagayan ng suka niya, huh!
Eh, ‘yung sumunod na tinungga nila eh, hot sauce versus tomato sauce na effortess kay Alden dahil nasanay na siya sa Eat Bulaga sa ganoong challenge. Ang last ay ang toyo vs. Soda.
Sa tulong ni Jako de Leon, anak ni Joey de Leon, natupad ang pangarap ni Wil na magkaroon ng video collaboration with Alden.
Last order ni Atty. Joji, wagi sa Korea
Panalo ang short film na dinirek ni Atty. Joji Alonso, ang Last Order, sa short film category sa katatapos na festival sa Pyongyang, North Korea.
Sa Facebook account ng lawyer-producer, hindi nakarating ang producer niyang si Ferdy Lapuz dahil nasa ospital ito. Siya naman eh, nagsimula nang mag-shoot ng full length directorial niya para sa Cinemalaya 2019.
Reaksyon ni Atty. Joji sa panalo, “I can hardly breathe! What was meant to be a just, ‘sige na, get it done and move on’ plan, was just gifted with such something special. Nobody made ito to Pyongyan because my producer, Ferdy Lapuz had to rest in the hospital. While I had to start work on my full feature film.
“Who would ever imagine that a small dream would receive the Best Short Film plum in North Korea? Hehehe,” bahagi ng post ng lawyer-producer.
Pinasalamatan ni Atty. Joji ang lahat ng mga taong involved sa ipinaglaban na short film dahil sa tagumpay na nakuha nito sa North Korea.
- Latest