Kilalang supporter ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) ang King of Talk na si Boy Abunda bilang open gay himself. At open din naman siya sa kanyang personal life. Hindi niya itinatago na may partner siya of 34 years, si Bong Quintana.
Very vocal si Kuya Boy sa pagtatanggol at pagsuporta sa karapatan ng LGBTQIA at pabor din siya sa same sex marriage,
May balak din ba siyang magpakasal in the future with his partner?
“I fight for the right of marriage, I fight for marriage equality. But Bong and I are okay. We’ve fixed our lives. Alam ko, wala tayong civil (marriage), wala pang mga batas. Pero inayos na namin ang buhay namin,” pahayag ni Kuya Boy nang makausap naming last Wednesday night sa taping ng show niyang The Bottomline.
Pero kung magpapakasal sila, aniya ay hindi pa niya alam.
“If it happens in my lifetime, bakit hindi? Pero nakokornihan kasi kami ni Bong sa ceremony. Parang nakokornihan kami na after living together for 34 years, eh kami’y... baka we’ll go for civil ceremony. Pero ‘yung... baka magkatawanan lang kami.
“But I will die and I will fight for the right of marriage, for the LGBT community,” pahayag pa ng host ng Tonight with Boy Abunda and The Bottomline.
Ibinalita rin ni Kuya Boy that he will be hosting the ABS-CBN Ball na magaganap Sept 29 sa Shangrila Hotel. He will be wearing a Christian Dior suit na regalo raw sa kanya ng partner niyang si Bong.