Ramdam ang sama ng loob ng ilang GMA executives sa napipintong paglipat ni Regine Velasquez-Alcasid sa ABS-CBN. Nang iharap sa press ang anim na clashers na maglalaban sa grand finals ngayong Sabado at Linggo, hindi sila masyadong nagsalita sa desisyon ni Reg, huh! Pero ayon sa ilang staff eh hindi nila ikinatuwa ang pagtalon ng Mrs. Ogie Alcasid sa ibang network.
Siyempre nga naman, sunod lahat ng layaw ni Songbird sa GMA. Gustuhin man nilang bigyan siya ng light teleserye, pinagbibigyan nila ang hiling ni Reg na ayaw niya ng ngaragang series.
Tapos ngayon, may mga chikang gusto niyang gumawa ng teleserye sa Channel 2, huh! Makatwiran ba ‘yon?
Naku, sa desisyon ni Songbird, huwag magtaka kung makatanggap siya ng sumbat na ingrata, walang utang na loob at hindi loyal, huh!
Oyo ayaw na sa ngaragang trabaho
Aminado si Oyo Sotto na mapili siya sa mga role na gagampanan. Personal choice niya ‘yon dahil mas gusto niyang mas marami siyang oras sa pamilya.
“Hindi naman sa ayokong mag-work pero ‘yung mga soap opera, ‘yun ang mga iniiwasan ko kasi nga siyempre, alam naman natin na pag soap, talagang ang minimum, three times a week. Tapos, talagang medyo kailangang puyatan. Time consuming po.
“Although gusto ko naman ng soap, nakakahiya naman na sabihin ko, ito ang cut off ko. Mahirap naman po magsabi ng kagustuhan ko. Kaya sabi ko, pass muna sa soap opera. Ganito lang muna, ‘yung relax na work,” rason ni Oyo nang makausap ng press sa TV plug shoot ng sitcom na Daddy’s Gurl kasama sina Vic Sotto, Maine Mendoza at Wally Bayola.
Kumusta naman si Meng na lalabas na subordinate niya dahil siya ang boss?
“Masaya naman siyang kasama. Pero pag first day, maraming delays at aberya. Dito, wala akong cut off. Pag soap kasi hindi lang physical, emotional pa,” rason ng anak ni Bossing Vic.
Apat na ang anak nila ni Kristine Hermosa na katatapos din gumawa ng series at ayon kay Oyo eh, hindi na rin sanay sa ngaragang trabaho.
“Si Tin napagod din siya sa series eh! may cut off din siya pero si Tin pag nag-work, she puts her heart into it. Kapag umuuwi siya, sabi niya, ‘Hon, pagod na pagod ako!’” saad pa ni Oyo.