^

Pang Movies

Alex aminadong may ex na nahirapan siyang kalimutan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alex aminadong may ex na nahirapan siyang kalimutan
Alex Gonzaga

Opening today ang bagong movie ni Alex Gonzaga, ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka in cinemas nationwide. Sa presscon ng movie na produced ng WilBros Films (na isa ring top concert promoter, na ita-try namang mag-produce ng movie), inamin ni Alex na may boyfriend siya noon na talagang nahirapan siyang kalimutan pero matapos niyang personal na i-confront, nakalimutan na rin niya. Happy na si Alex ngayon sa boyfriend niya for two years, ang businessman na si Mikee Morada, na very supportive sa kanyang showbiz career.

Sa movie na written and directed by Fifth Solomon, si Alex ay ang broken-hearted na si Jaz Cruz na hindi makalimutan ang ex-boyfriend played by hunk actor Vin Abrenica. Tuwing maalaala ni Jaz ang past nila ng ex-lover, feeling niya ay humihinto ang mundo niya, kaya kumunsulta siya kay Dr. Rolex (Candy Pangilinan) at naging kasama niya ang best friend niya (Jerald Napoles). Tiyak na ma-e-enjoy ng moviegoers ang mga eksena ni Jaz na punung-puno ng hugot moments na magpapatawa at magpapaiyak din sa kanila.

Pero paano nga ba niya malilimutan ang ex-boyfriend kung iyong mga lugar niyang ayaw makita ay doon naman siya dinadala ng best friend niya?

Kaya ang tanong, muli bang magkakabalikan si Jaz at ang dating boyfriend?

Victor Magtanggol hindi raw dapat tulungan ng mga Sanggre

Grabe ang reaction ng fans na kontra sa paggi-guest ng mga Sanggre ng Encantadia sa action-drama-fantasy series ni Alden Richards na Victor Magtanggol. Masasakit ang mga post nila laban kay Alden, sa series at sa GMA Network. Iisa ang tinutukoy nila, bakit daw superhero si Victor Magtanggol/Hammerman, hihingi ng tulong sa mga babae?

Ang caption ng photo ng mga Sanggre at ni Alden ay “Tutulungan si Victor?”  Sa interview sa mga Sanggre sa Chika Minute ng 24 Oras last Monday evening, sabi ni Sanya Lopez, “tutulungan si Victor o kami ang tutulungan ni Victor?”  Si Kylie Padilla naman, “maganda, matutuwa kayo kapag napanood nyo” Bitin naman ang sagot ni Glaiza de Castro na “may mangyayari kasi, basta...!”

Bakit kasi hindi muna panoorin bago mag-comment at hindi sila makasakit ng damdamin ng mga nanonood sa serye. Tingnan mo naman ang mga accounts nila, kung hindi private, wala pang post kaya alam mong ginawa lamang para sila mang-asar.

Pero mas marami namang nag-like sa photo at palagay namin fans sila ng Encantadia dahil excited na silang mapanood, miss na miss na raw nila ang mga Sanggre at papanoorin daw nila ito kapag pumasok na sila, na sa palagay namin ay ngayong gabi, pagkatapos ng 24 Oras.

 Janine ayaw maging dependent sa social media

Isa rin sa ayaw na ayaw ng mga bashers ay si Janine Gutierrez, leading lady ni Alden at natuwa sila nang nag-deactivate ng Twitter niya ang actress. Sinagot naman ito ni Janine sa interview na “pinagpahinga ko lang ang Twitter ko. Napansin ko rin po kasi na parang masyado na akong dependent sa social media, paggising ko, iyon na ang una kong tinitingnan.  Natuwa po lamang akong mag-post ng mga scenes sa VM, parang promotion na rin.  Ibabalik ko naman po, inaayos ko lang at isasabay ko sa pagbubukas ko ng ginagawa kong website.”

ALEX GONZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with