Little Miss Marilyn Monroe ang peg ni Baby Zia sa anniversary ng kanilang school kahapon.
Tulad ng yumaong Hollywood star, blonde rin ang hair ni Zia with matching white flowing dress!
Nag-collab sina Dingdong (Dantes) at Marian (Rivera) sa look ni Zia. Stylist ang naging papel ni Yan habang photographer naman si Dong.
Achieved na achieved naman ni Zia ang look ni Monroe nang gayahin niya ang signature pose nito.
Nakaka-good vibes ang looks niya sa photos na kuha ni Dong na nasa Instagram ni Marian.
Take note, umabot sa mahigit 110,000 likes ang pictures ni Zia as of this writing.
Ilan naman sa celebs ang bumilib kay Zia ay sina Vhong Navarro, Ina Feleo, Gabby Eigenmann at Joross Gamboa na gustong maging future balae si Dingdong, huh!
Mocha nadikdik na naman nina Aiko at Sen. Grace
Matapos maglabas ng galit si Aiko Melendez kay Assistant Communications Secretary Mocha Uson at kasamang vlogger na si Drew Olivar dahil sa paggamit ng sign language sa federalism lecture series nila, sinegundahan siya ni Senator Grace Poe.
“Dapat maging isang huwaran ang mga opisyal ng gobyerno,” saad ni Sen. Poe sa interview.
Nag-tweet naman ang Kapuso actor na si David Licauco na, “Mocha Uson is a shit!” pero walang sinabing rason ng pagsasalita niya sa government official.
Sa panawagan ni Aiko, tanging si Olivar lang ang humingi ng apology sa ginawang video. Buwelta naman ni Aiko, dapat pati si Asec. Uson ay maglabas din ng apology dahil sila dalawa ni Olivar ang nasa video.
Nananatiling tiklop ang bibig ni Uson sa pagbigay ng apology.