^

Pang Movies

Inah at Jhake ‘di pa sumasagi sa isip ang kasal

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Inah at Jhake ‘di pa sumasagi sa isip ang kasal
Inah & Jhake

Two years na pala ang relasyon nina Jhake Vargas at Inah de Belen at mukhang seryoso ang dalawa dahil nakilala na nila pareho ang pamilya ng isa’t isa.

Si Jake ay nakilala na nang personal ang magulang ni Inah na sina Janice de Belen at John Estrada habang ang dalaga naman ay naipakilala na rin sa pamilya ng aktor.

Si Janice ay matagal nang na-meet ni Jhake nang dumalaw ang aktor sa bahay nina Inah at mukhang boto naman ang una dahil ipinagluto pa niya ang aktor at mainit na tinanggap sa bahay nila.

Si John ay na-meet naman ni Jhake sa anniversary ng GMA-7. Kasama niya si Inah that time at pormal siyang ipinakilala nito sa amang aktor.

Kaya naman ang tanong sa kanila ng press sa presscon ng Ika-5 Utos na bagong serye nila ni Inah ay kung pinag-uusapan na ba nila ang kasal.

“Wala pa,” natatawang sagot ni Jhake.

Kahit biruan, wala pa?

“Wala pa,” sagot niya ulit.

“Kung baga, ipon muna. Kasi, mahirap, pagka ano. Mas maganda ‘yung handa na, aayusin mo lahat, kapag may ipon ka na.”

Kahit si Gelli de Belen nga na kasama rin sa soap ay natanong din kung soon to be pamangkin na ba niya si Jhake at sambit agad ng aktres, “Diyos ko, huwag muna, no!”

Sabi pa ni Gelli kina Inah at Jhake, “Umarte muna tayo, huwag muna kayong mag-isip ng kung anu-ano!”

Tawanan tuloy ang lahat sa presscon!

Gelli hindi nagsisising bumalik sa GMA

Samantala, balik-Kapuso na ulit si Gelli de Belen after 7 years at aniya ay masaya siya to be back again sa dati niyang tahanan.

“Ang tagal din ng Sis na pi­nagdaanan namin dito, ‘di ba? So talagang pagbalik ko, parang “wow!” Familiar faces, ang warm ng welcome, so talagang masaya ako nandirito ako ngayon. Tapos, exciting pa itong show na pinasok ko,” sey ni Gelli.

Ang Sis ay ang dating mor­ning show nila ni Janice de Belen na tumagal din ng 9 years. Pero ang pinakahuling ginawa niya sa Kapuso ay ang seryeng Bantatay noong 2011 pa at pagkatapos nito ay nagtrabaho siya sa TV5 and ABS-CBN.

Huling serye ni Gelli sa Kapa­milya ay ang La Luna Sangre.

“It’s so nice for me to be back here. Kapuso ulit ako for now. Sana matagal-tagal, tingnan natin,” natatawa niyang sey.

Masaya rin daw siyang makatrabaho ang kanyang pamangkin na si Inah at ang lahat daw ng cast.

JHAKE VARGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with