Buboy napanindigan ang pagiging batang ama
Daddy na daddy na talaga ang dating child actor at isa sa cast ng Inday Will Always Love You na si Buboy Villar.
Noong nakaraang August 30 ay nag-celebrate si Buboy at ang misis niyang si Angillyn Gorens ng first birthday ng kanilang baby girl na si Vlanz Karollyn.
Kahit na marami ang nagsasabing masyado pang mga bata sina Buboy at Angillyn para magkaroon ng sariling pamilya, makikitang masaya silang magkasama at hindi nawawala sa kanilang tabi ang kanilang anak.
Kung inakala ng marami ay nagbabahay-bahayan lang ang dalawa, sa totoo lang ay serious sila at gagawin nila ang lahat para sa kanilang anak.
Teresa hindi nanghinayang sa nilayasang trabaho sa Australia
Pinag-isipan daw ng ilang beses ng aktres na si Teresa Loyzaga ang pag-resign nito kanyang trabaho sa Australia para mag-stay na lang rito sa Pilipinas dahil sunud-sunod ang trabaho niya sa TV.
Na-revive ang showbiz career ni Teresa nang bumalik ito sa Pilipinas at lumabas ito agad sa ilang mga teleserye. Ang latest ay ang My Special Tatay na ginagawa niya for GMA-7.
Kaya nag-resign na si Teresa sa kanyang work sa Australia para hindi na siya nakakaramdam ng anumang pressure.
“It’s hard na may iniisip ka na kailangan makabalik ka agad sa trabaho mo or else baka pag-uwi mo wala ka nang babalikan.
“Since naging busy na ako rito, I made that decision to resign and focus on my career here.
“Nandito naman ang anak kong si Diego (Loyzaga) who’s busy as well sa career niya. My other son naman is in Australia at nagtatrabaho naman siya roon,” sey ni Teresa.
Bilang single parent, nagawa na raw ni Teresa ang dapat para sa mga anak niya. Proud daw siya na mag-isa niyang napalaki ang mga ito.
Wala naman daw kahit na anong kontrata si Teresa sa dalawang TV networks, kaya kung saan may offer, doon siya napapanood.
Isa ring naging dahilan noon ni Teresa kung bakit siya pabalik-balik sa Pilipinas ay para bisitahin ang ama nilang si Caloy Loyzaga noong ma-stroke ito.
Sumakabilang-buhay na si Caloy noong January 2016.
Hollywood actress na si Vanessa Marquez napatay ng mga pulis
Nabaril at namatay ang Hollywood actress na si Vanessa Marquez na nakilala bilang si Nurse Wendy Goldman sa hit ‘90s TV series na ER.
Ayon sa naging investigation na pinangunahan ni Lt. Joe Mendoza of the Los Angeles county sheriff department, dumating ang mga police officers sa tahanan ni Marquez sa South Pasedena noong umaga ng August 30.
Ang tumawag sa mga pulis ay ang landlord ni Marquez dahil nag-aalala ito sa kalagayan ng aktres.
Ayon sa landlord, Marquez was suffering from seizures and is unable to take of herself.
Dumating na rin ang paramedics at ang mental health clinicians para makausap si Marquez.
Pagkaraan ng 90 minutes ay bigla na lang daw naging uncooperative si Marquez at kinuha nito ang isang BB gun at tinutok niya sa mga pulis. Dito na nag-open fire ang mga pulis na siyang ikinamatay ng aktres nang madala na ito sa ospital.
Nagtrabaho si Marquez sa series na ER mula 1994 hanggang 1997. Lumabas din siya sa mga pelikulang Stand and Deliver at Twenty Bucks.
Noong October 2017, nag-tweet si Marquez na kaya siya nawala sa show na ER ay dahil pina-blacklist siya ng co-star niyang si George Clooney. Nireklamo rin niya ito for racial discrimination and sexual harassment.
Nabanggit din ni Marquez that she was “suffering from immune disorders, including celiac disease.” She was diagnosed as “terminal,” and was “suffering from chronic pain.”
- Latest